• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz clears up rumors regarding romance with Maja Salvador

John Lloyd Cruz clears up rumors regarding romance with Maja Salvador

The actor asks the press not to confuse the public.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/17/2016 1:44 AM
John Lloyd Cruz clears up rumors regarding romance with Maja Salvador


091616-majajlc_main.jpgSimula nang mag-post si Maja Salvador ng Instagram picture kasama si John Lloyd Cruz ay nagging usap-usapain na baka may namamagitan sa dalawa. Sila ay nanood ng movie ni Bea Alonzo at Gerald Anderson na “How To Be Yours.”

Kasunod naman nito ay magkasama naman silang namasyal sa Pearl Farm sa Davao.

LOOK: Spotted: Maja Salvador and John Lloyd Cruz on vacation together in Davao

Sa panayam ng PEP.ph kay sa aktor, mariin niyang itinanggi ang umano’y nabubuong relasyon nila at sinabi pang nababaduyan siya sa balitang ito.

"Nagagamit lang sa airtime sa iba't ibang show, and we don't appreciate kasi napakaliit ng bakuran natin,” sabi niya.

“Alam ninyo, dito, lahat tayo magkakasama, magkakakilala tayo lahat dito. Alam ninyo kung ano ang totoo at hindi. Hindi ako napipikon, naiintindihan ko ang media. Pero sana imbes na magbigay tayo ng liwanag, huwag na tayong dumagdag sa pagbibigay ng confusion sa mga tao,” dagdag pa ng Home Sweetie Home Star.

Sinabi rin niyang magkaibigan lamang sila.

"Hindi ako napipikon, nababaduyan lang talaga ako.”

Nagkatrabaho naman ang dalawa sa pelikulang “One More Chance”.