• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss Universe PH Maxine Medina is positive she will get the crown

2016 Miss Universe PH Maxine Medina is positive she will get the crown

2016 Miss Universe PH Maxine Medina wants to give the Philippines a back-to-back victory.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/16/2016 9:53 AM
2016 Miss Universe PH Maxine Medina is positive she will get the crown


091616-Maxine_main.jpgSa ating exclusive interview kay 2016 Miss Universe PH Maxine Medina sa opening ng Pablo Japanese Cheesecakes sa Robinsons Manila, sinabi niya na puspusan na ang kanyang paghahanda para sa competition ng pinakasikat at prestigious pageant sa universe.

Maraming pointers na ibinigay sa kanya ang reigning queen na si Miss Universe Pia Wurtzbach at malaki ang naitutulong nito sa kanya. "Marami na siyang binigay na pointers before pero ngayon I want to ask her pa pero siguro in the later part na yun since sobrang focused ako ngayon."

Bukod sa pageant, busy rin si Maxine sa pag-aaral ng ating kultura at scenic spots dahil ready siyang maging tour guide ng Miss Universe delegates dahil ang Pilipinas ang host country.

"Sobrang nagre-review ako ngayon about the Philippines. When I’m travelling like out of town nagaalam na ako ng mga pwede i-share sa mga delegates."

Positive at kini-claim na ni Maxine ang back-to-back victory natin sa Miss Universe. Extra special din ito dahil sa sariling bayan siya mananalo. "Mas masaya kung uulitin natin ulit kung ano nangyari sa Las Vegas specially dito sa Philippines specially si pia pa magko-korona sa akin if ever, ‘di ba?" pagtatapos ni Maxine.