Sa ating exclusive
interview kay 2016 Miss Universe PH Maxine Medina sa opening ng Pablo Japanese
Cheesecakes sa Robinsons Manila, sinabi niya na puspusan na ang kanyang
paghahanda para sa competition ng pinakasikat at prestigious pageant sa
universe.
Maraming pointers na ibinigay sa kanya ang reigning queen na si Miss Universe Pia Wurtzbach at malaki ang naitutulong nito sa kanya. "Marami na siyang binigay na pointers before pero ngayon I want to ask her pa pero siguro in the later part na yun since sobrang focused ako ngayon."
Bukod sa pageant, busy rin si Maxine sa pag-aaral ng ating kultura at scenic spots dahil ready siyang maging tour guide ng Miss Universe delegates dahil ang Pilipinas ang host country.
"Sobrang nagre-review ako ngayon about the Philippines. When I’m travelling like out of town nagaalam na ako ng mga pwede i-share sa mga delegates."
Positive at
kini-claim na ni Maxine ang back-to-back victory natin sa Miss Universe. Extra
special din ito dahil sa sariling bayan siya mananalo. "Mas masaya kung
uulitin natin ulit kung ano nangyari sa Las Vegas specially dito sa Philippines
specially si pia pa magko-korona sa akin if ever, ‘di ba?" pagtatapos ni
Maxine.