• Home
  • Fresh Scoops
  • Lauren Reid and Alodia Gosiengfiao speak up on their alleged involvement with Gab Valenciano

Lauren Reid and Alodia Gosiengfiao speak up on their alleged involvement with Gab Valenciano

Both women deny being the cause of Gab Valenciano and Tricia Centenera’s separation.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/16/2016 1:10 AM
Lauren Reid and Alodia Gosiengfiao speak up on their alleged involvement with Gab Valenciano


091516-AlodiaLauren_PUSH.jpgMatapos kumalat ang balitang hiwalayan ni Gab Valenciano sa asawang si Tricia Centenera, kinumpirma naman ni Tricia na si Gab ang humihingi ng divorce at hindi raw siya ang ‘unfaithful’ sa relasyon. Matapos ang balitang ito, nadawit ang pangalan ng kapatid ni James Reid na si Lauren at ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa isyu. 

Sa panayam ng ABS-CBN News at ilang reporters kay Lauren, mariin niyang itinanggi ang alegasyon na ito at sinabing nakilala lamang niya si Gab dahil kaibigan niya si Kiana Valenciano na kapatid ni Gab.

“Well, that's a shame to be honest... but I guess it comes from being in showbiz. I really don't know Gab very well," sabi niya.

Mukhang nadawit lang daw ang kanyang pangalan dahil, "because I'm probably relevant at the moment and it's something to make the story have more flavor."

Sa ulat naman ni Ricky Lo para sa kanyang column sa The Philippine Daily Inquirer, itinanggi rin ito ng cosplayer na si Alodia.

“There’s nothing between Gab and me. Maybe people were linking me to Gab because we are always in the same events… kaya kung ano-ano na ang inisip ng tao. He never courted me; he never showed any romantic interest in me. We never went out on a date. Our connection is limited to events that we perform in together,” saad niya.

Kamakailan ay naglabas ng article ang PEP.ph kung saan sinabing naghiwalay ang mag-asawa dahil sa umano’y pambababae raw ni Gab. Na-link siya kina Alodia, Lauren, Issa Pressman, kapatid ng aktres na si Yassi Pressman, at ang model na si Dani Camcam. 

Sinabi din ni Tricia sa TV Patrol na July 30 ngayong taon nang pinaalis niya sa kanilang condo sa The Fort si Gab. Balak din nilang kumuha ng divorce sa US. 

READ: Tricia Centenera admits Gab Valenciano has been verbally abusive to her

Tatlong beses ikinasal sina Gab at Tricia – sa isang civil ceremony sa US noong 2014, sa Tagaytay at isang beach wedding sa Boracay noong 2015.