• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada says he will refuse to do intimate scenes with ex-sis-in-law Gelli de Belen

John Estrada says he will refuse to do intimate scenes with ex-sis-in-law Gelli de Belen

John Estrada has no problems working with former sister-in-law Gelli de Belen.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/15/2016 10:28 AM
John Estrada says he will refuse to do intimate scenes with ex-sis-in-law Gelli de Belen


091516-JohnEstrada_PUSH.jpgMarami ang nagulat na magkasama sa teleseryeng Magpahanggang Wakas ng ABS-CBN si John Estrada at ang sister ng ex-wife niyang si Janice de Belen na si Gelli na ngayon ay nagbabalik-Kapamilya.

Hindi lang sila basta magkasama sa serye, magkarelasyon pa ang role nila sa Magpahanggang Wakas.

Ayon sa kuwento ni Ruel S. Bayani na business unit head ng Magpahanggang Wakas, walang malisya sa kanya na pagsamahin sina Gelli at John sa serye.

“Nang tanungin namin si Gelli kung okay sa kanya na makasama si John, sabi niya, ‘oo naman, wala naman akong problema kay John,” paglilinaw pa ni Direk Ruel.

Eh, ano naman ang reaksyon ni John na okay pala si Gelli na makatrabaho siya?“Well, salamat. Wala naman din akong problema sa kanya. Kay Janice lang ako may problema,” bulalas ni John na natatawa.

Dagdag pa niya, “Kay Janice lang naman malaki ang problema ko. Kay Gelli, wala. Kami ni Gelli, okay kami.”

Inamin din ng actor na kahit papaano ay nagkaroon siya ng awkward feeling sa ilang eskena nila ni Gelli.

“Siyempre, mayroon ding konting awkwardness kasi matagal kaming hindi nagkita. Pero nung nag-usap naman kami, okay na,” kuwento ng actor.

Aware si John na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang makatrabaho ni Janice.

“I think she’s vocal about it na ayaw niya akong makatrabaho, so ganun na. Wala naman tayong magagawa, di ba? Marami pa namang artista diyan," sabi pa niya.

Eh, what if kailangan sa eksena na magkaroon sila ng intimate scene ni Gelli sa Magpahanggang Wakas?

"Hindi siguro mangyayari iyon. Medyo awkward iyon. I’ll probably tell the director, ‘Sorry po, hindi ko kayang gawin iyon,’” pagtatapos ng actor.