• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Viado on his mom Joy Viado’s passing: ‘Hindi mo siya napraktis’

JC Viado on his mom Joy Viado’s passing: ‘Hindi mo siya napraktis’

The son and the best friend of Joy Viado speak on her passing.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/15/2016 10:05 AM
JC Viado on his mom Joy Viado’s passing: ‘Hindi mo siya napraktis’


091516-JoyViado_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, nagkaroon noong gabi ng September 14 ng mini-concert para sa yumaong si Joy Viado ang mga kaibigan niyang artista.

Nagkuwento rin ang best friend ni Joy na si Annette Lucido tungkol sa kaibigan niya noong gabing pumanaw ito. “Sa pagpasok niya, ‘di daw siya makahinga. Umuungol siya, in anguish.” Dagdag pa niya, “Paano yan, sabi ko, wala na akong kasama kasi iba yung painagsamahan namin e.”

Ayon din sa anak ni Joy na si JC Viado, “dumating siya sa bahay hirap na siya and then suddenly bigla siyang parang hinimatay na… then right after that, binuhat ko na siya. Hindi kami handa sa ganito, kumbaga sa pelikula, hindi mo siya napraktis.”

Nakilala si Joy bilang komedyante nang napabilang siya sa show na Ang TV noong 1994. Ang mga huling pelikulang nagawa niya ay Girl, Boy, Bakla, Tomboy at Sisterakas bago lumala ang kanyang sakit na diabetes.