• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla says she has possible Star Cinema projects as a writer

Bela Padilla says she has possible Star Cinema projects as a writer

Bela Padilla is exploring behind-the-scenes work for Star Cinema.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/15/2016 10:34 AM
Bela Padilla says she has possible Star Cinema projects as a writer


091516-BelaPadilla_PUSH.jpgHindi inasahan ni Bela Padilla ang sunod-sunod na blessings na kanyang natatanggap ngayong taon mula sa pagtabo sa takilya ng kanilang pelikulang Camp Sawi, isa namang proyektong malapit sa puso niya ang kanyang handog para sa kanyang mga fans.

Sa nagdaang 2016 Cinemalaya festival, naging matunog ang entry na I Am-Erica kung saan bida si Bela bilang isang anak ng foreigner na sumasalamin sa buhay ng mga batang may foreign blood na inabando na ng kanilang mga ama sa Olongapo. Aniya, "Nakita ko din ang sarili ko sa character kasi half din ako—half-British, half-Pinoy—but in a way nakikita ko dito na iba ako. Kasi pag naman andon ako, iba pa din sa kanila so parang wala ka talagang place or hindi mo ma identify kung anong culture mo talaga."

Bukod sa sunod-sunod na movie exposure, isa din sa kumakalat na balita ang pag-produce ni Bela ng pelikula para sa Star Cinema. Pero may paglilinaw ang aktres. "Hindi co-prod. Magsusulat po kasi meron po akong na pitch na stories para sa mga kaibigan lang sana. Una para kay Bea Alonzo nag-send ako ng mga ideas sa kanya tapos parang nagustuhan niya. Tapos nakuwento din namin kay Angel Locsin kasi lagi namin siya kasama. Siya naman yung gumawa ng paraan para makapag-meeting kami ni Neil (Arce) kay Tita Malou (Santos) tapos ayun parang nagustuhan naman nila yung mga idea. Sana mag-work lahat and right now may binubuo kaming isang story."

Masaya din ang aktres dahil sa suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang boyfriend na si Neil Arce at dahil dito natanong din si Bela kung nakapag-usapan na ba ang kasalan. "Siyempre minsan napag-uusapan naman namin ang mag-settle down pero ganito lang naman ako parang bata. Pero kasi madami pa ako gusto gawin at ma-achieve," sabi pa ni Bela.