• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Valenciano on Gab Valenciano: ‘Gab’s clearly going through something’

Paolo Valenciano on Gab Valenciano: ‘Gab’s clearly going through something’

Tricia Centenera says it was Gab Valenciano who asked for a divorce from her.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/13/2016 9:56 AM
Paolo Valenciano on Gab Valenciano: ‘Gab’s clearly going through something’


091316-PaoloValenciano_PUSH.jpgSa ulat ni Gretchen Fullido para sa TV Patrol, nagsalita si Paolo Valenciano tungkol sa napapabalitang hiwalayan ng kanyang kapatid Gab Velenciano at asawa nitong si Tricia Centenera. Kinumpirma niya na hiwalay na nga ang mag-asawang Gab at Tricia. Dagdag pa niya, “we try not to get involved with the problems of Gab and Trish but you know, Gab’s clearly going through something.”

Ayon sa report, ang napapabalitang rason ng hiwalayan ay pangangaliwa at pera. Sinabi rin diumano ni Tricia sa panayam sa telepono na si Gab ang humingi sa kanya ng divorce. Hindi pa official ang separation nila pero pinaalis ni Tricia si Gab sa condo nila sa The Fort noong July 31. 

Dagdag pa diumano ni Tricia, emotionally abusive si Gab sa kanya at hindi sa kampo niya ang pangangaliwa. Wala ring binanggit na pangalan si Tricia tungkol sa mga babaeng naugnay kay Gab. 

Tatlong beses kinasal sina Gab at Tricia. Dalawang beses noong 2015 at nagkaroon sila ng civil ceremony noong 2014 sa US. 

Todo suporta naman si Paolo at ang asawa niyang si Sam Godinez sa mag-asawang Trish at Gab. Ani Paolo, “so whatever they decide on, we’ll be there for the two of them. But Tricia is family na and we’re really trying our best she gets through this in one piece.”