• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gelli de Belen reveals why she was absent from ‘Magpahanggang Wakas’ launch

EXCLUSIVE: Gelli de Belen reveals why she was absent from ‘Magpahanggang Wakas’ launch

Gelli de Belen also says she has no problems working with her sister’s ex-husband John Estrada.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/14/2016 6:32 AM
EXCLUSIVE: Gelli de Belen reveals why she was absent from ‘Magpahanggang Wakas’ launch


091416-GelliDeBelen_PUSH.jpgMuli namang sasabak sa teleserye si Gelli De Belen para gamapanan ang pagiging primera kontrabida sa nalalapit na pag uumpisa ng bagong teleseryeng Magpahanggang Wakas. Sa exclusive phone interview kay Gelli, ipinabatid ng aktres ang paumanhin sa kanyang pag-absent sa naganap na press con ng kanilang bagong teleserye dahil patuloy pa din siyang nagpapagaling mula sa kanyang pinag daanang operasyon.

"Unfortunately, I underwent an operation, it was intestinal operation. Parang nagkaroon ng problema sa intestine ko due to my past operations when I gave birth. Ngayon medyo okay na. One week lang naman yung down time, pero sayang kasi I really wanted to go to the press con. I was really excited; it would have been my first ABS-CBN press con after decades. Sayang hindi ako umubra."

Ganun pa man masayang-masaya pa rin siya dahil sa bagong proyekto na ito na aniya, malaking hamon para sa kanya ang maging full-time kontrabida lalo na para sa primetime teleserye.

"Unang-una sa lahat kasi masaya ako kasi I'm back and it's something I missed doing, it's something that I [feel] challenged with. Feeling ko nine-nerbyos ako, parang rusty, and it is my first time na gaganap ako ng full time kontrabida."

Usap-usapan din ang pagiging magkatrabaho nila ni John Estrada na ex-husband ng kanyang kapatid na si Janice. Ayon kay Gelli, wala silang problema ni John at kumportable siya sa pakikipagtrabaho dito. "Wala naman talagang problema kung kasama ko si John Estrada kasi okay naman kami. Pero siyempre concerned ako kung anong relationship namin, nung sinabi naman na mag-ex, e mag-ex naman pala lalong walang problema," pagtatapos ni Gelli.