• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Allen Dizon wins his 5th international best actor award in 13th Salento International Fil

EXCLUSIVE: Allen Dizon wins his 5th international best actor award in 13th Salento International Fil

Allen Dizon named best actor for his role in ‘Iadya Mo Kami.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/14/2016 6:30 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon wins his 5th international best actor award in 13th Salento International Fil


091416-AllenDizon_PUSH.jpgTatlong international recognition ang ipinagbubunyi ng mga Pinoy dahil sa kanilang sunud-sunod na panalo.

Una, ang pagkapanalo ng Audience Prize Award ang Pamilya Ordinaryo sa 13th Venice Days. Ikalawa, ang pagwawagi ng pelikula ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo ng top prize (Golden Lion Award) sa 2016 Venice Inernational Film Festival.

At ikatlo, ang muling pag-uuwi ng international best actor award ni Allen Dizon para sa pelikulang Iadya Mo Kami sa 13th Salento International Film Festival na ginanap naman sa Tricase, Italy.

Ang Iadya Mo Kami (Deliver Us) ay prinodyus ng BG Productions at idinirek ni Mel Chionglo.

Ayon kay Allen, hindi siya nag-i-expect na manalo at muling magkakaroon na naman ng international best actor award.

“Hindi ko nga alam na ako na pala yung nanalo kasi hindi namin naiintindihan yung sinasabi nila tapos yung accent nila, iba di ba? So nung pinapunta na ako sa stage, do’n ko lang nalaman na ako pala yung winner,” masayang pahayag ng multi-awarded actor.

“Oo, nagpunta kami don to compete and to travel na rin at the same time, para na rin makapag-relax at the same time, pero yung mag-expect na mananalo pa ako, sobrang bonus na lang yon,” dagdag pa niya.

Hindi rin naitago ni Allen ang labis na pasasalamat sa mga kasamahan niya na naging part ng Iadya Mo Kami.

“Salamat Direk Mel Chionglo, sa lahat ng cast, staff and crew. Sa BG Production, Ma’m Baby Go and Poly, Sir Romy Lindain. Sa manager kong si Dennis Evangelista, sa aking pamilya, asawa at 4 na anak para sa inyo ‘to at sa buong Pilipina… Maraming maraming salam [sic] team IADYA MO KAMI. MABUHAY PO ANG PELIKULANG FILIPINO!” post ng aktor sa kanyang social media account bago siya bumalik ng Pilipinas.

Allen also won best actor sa 4th Silk Road International Film Festival held early this year. Pangalawang best actor trophy na niya ito from Iadya movie at bale pang fifth international best actor award na niya.

“Sobrang overwhelmed pa rin ako hangang ngayon. Masarap palang mangolekta ng trophies,” pagbibiro pa niya.

“Pero sa totoo lang, I am humbled sa mga ganitong international recognitions. Sobrang sarap kasi ng pakiramdam na na-appreciate ng ibang lahi yung klase ng acting na ipinapakita namin,” sey pa niya sa Push.com.ph.

Sa kabuuan at naka-21 best actor awards na si Allen mula nu’ng pasukin niya ang paggawa ng indie film.

091416-AllenDizon1_PUSH.jpg