• Home
  • Fresh Scoops
  • Sandara Park ‘saves’ Pinoy Boyband Superstar contestant from elimination

Sandara Park ‘saves’ Pinoy Boyband Superstar contestant from elimination

Vice Ganda however had a different opinion about the 15-year-old contestant.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/12/2016 12:20 AM
Sandara Park ‘saves’ Pinoy Boyband Superstar contestant from elimination


091216-SandaraPark_PUSH.jpgHindi napigilan ng Korean pop star na si Sandara Park na pindutin ang override button para sa Pinoy Boyband Superstar contestant na si Keanno Dela Cruz noong Linggo ng gabi, September 11.

Hindi umabot ang score ni Keanno na 72% sa unang round ng contest kung saan ay kelangan makakuhan ng 75% na grade mula sa female audience.

Binigyan ng chance ni Sandara na maipakita ni Keanno sa kanila ang kanyang talent sa pagkanta.

Pinatunayan naman ng 15-year-old na contestant na hindi nagkamali si Sandara sa kanyang ginawa.

Kinanta ni Keanno ang “Night Changes” ng One Direction na siya namang ikinatuwa ng iba pang judges na sina Yeng Constantino at Aga Muhlach. Iba naman ang opinion ni Vice Ganda sa ginawa ni Keanno.

"Meron kang boses na maganda, na pwedeng i-improve. Gusto mo maging artista, gusto mong sumayaw, gusto mong kumanta. Maganda 'yan, marami kang gustong gawin. Kailangan isa doon, mag-excel ka. Kaya siguro 'yun ang dahilan kung bakit nakukulangan ako, wala akong masyadong makitang character for now. Pero bata ka pa naman. You have all the time to improve," he said.

Di man sumangayon si Vice sa boto ng tatlong kasama, nakapasa na sa susunod na round si Keanno.

Kasama ni Keanno na pumasok sa susunod na level ay si Markus Peterson at ang kambal na sina JV at Bjorn Mendoza.

WATCH Keanno’s performance below: