• Home
  • Fresh Scoops
  • : Aurora Moynihan was tagged by the suspects as a drug pusher to celebrities.

Maritoni Fernandez’s sister found dead in QC

: Aurora Moynihan was tagged by the suspects as a drug pusher to celebrities.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

09/12/2016 12:10 AM
Maritoni Fernandez’s sister found dead in QC

091216-maritonisister_push.jpgNatagpuang patay ang kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez noong Sabado (September 10) ng madaling araw sa Temple Drive at Giraffe street sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.

May nakatabi namang karatula sa bangkay ni Ma. Aurora Moynihan na nagsasabing, "Pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo."

Ayon sa ulat ng TV Patrol, hawak na ng mga imbestigador ang cellphone ng 45-anyos na biktima para malaman ang huli nitong mga nakausap. Bagamat wala raw sa drug watch list si Aurora, ika-15 na siya sa mga biktima ng drug related deaths sa Quezon City.


Pahayag naman ni QCPD District Director Guillermo Eleazar, itinuturing itong murder case dahil may mga witness na may putukan ng baril na naganap.