Jericho Rosales is touted as the “Asian Drama King”

Director Ruel Bayani shares how Jericho Rosales has paved the way for the Philippines to be recognized for quality TV dramas around the world.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/12/2016 2:41 AM
Jericho Rosales is touted as the “Asian Drama King”


091216-JerichoRosales_PUSH.jpgProud na ibinalita ni Direk Ruel Bayani sa presscon ng seryeng Magpahanggang Wakas ang achievement ng bida niya sa seryeng si Jericho Rosales pagdating sa paggawa ng teleserye at sa pagiging mabenta nito sa iba’t ibang bansa.

Nagmistula tuloy tribute kay Jericho ang mga papuri sa kanya ng business unit head ng ABS-CBN na sinang-ayunan din ng kapwa niya artistang kasama sa cast ng Magpahanggang Wakas.

Ayon kay Ruel, si Echo raw ang pinaka-deserving na tawaging “Asian Drama King” dahil hindi lang siya dito sikat sa ating bansa kung di maging sa buong Asia.

“Noong una kong diniscuss sa kanya ’yung kanyang ‘Asian Drama King’ na title, ayaw na ayaw niya ’yan. Kilala n’yo naman na ayaw na ayaw ni Echo ng mga title, but you see, kailangan naming ipaalam sa inyo that there’s no other Kapamilya actor who has sold more a drama program all over the world than Jericho Rosales,” kuwento ng direktor.

Si Jericho din daw ang nagbukas ng pinto para sa mga Pinoy teleserye na maka-penetrate world-wide.

“He opened the doors for the Philippines via Pangako Sa ’Yo. It introduced the Philippines to the rest of the world. So, pioneer siya from Pangako Sa ’Yo, tapos, tuluy-tuloy, laging ino-order ang mga shows niya.

“And last year, the best-selling soap of the Philippines was Bridges of Love again by Jericho Rosales, which is the first Filipino soap to air in Latin America.

“So, everytime, may nagbubukas na door, gateway, Jericho Rosales is always front and center. Laging siya.

“So, sabi ko, bakit hindi pwedeng i-claim ’yung Asian Drama King? Ayaw niya kasi ng title. But you see, kahit na walang title, with or without the title, hindi pwedeng i-refute ’yun, eh. The pedigree, the body of work,” patuloy pang pahayag ni Direk Ruel.

Idinagdag din ng business unit head na every time na may booth ng lahat ng shows sa Pilipinas sa iba’t ibang bansa, parating ang pangalan daw ni Echo ang nasa gitna.

“Like ang nasa gitna, Jericho of Magpahanggang Wakas na ang international title ay Sand Castle, kasi, kaya siya nasa gitna, siya lang ang kilala ng foreign buyer sa mukha.

“Ibig sabihin, maraming success sa ABS-CBN, maraming success sa Pilipinas, ibigay lang natin ’yung honor kung kanino siya due and he has worked so hard for that recognition and for that success.

“So, para sa akin, ayaw man niya, tanggihan man niya, to me, kanyang-kanya ’yun,” sambit pa ni Direk Ruel.

Nang tanungin namin kung ano naman ang reaksyon ni Jericho sa naging pahayag na ito parang hiyang-hiya itong magsalita.

“Marami akong dapat ipagpasalamat pero unahin ko na ’yung hiya dahil nahihiya ako kina Direk Erick (FM) and Direk Ruel for this love na ibinibigay nila sa akin, appreciation.

“And hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung pa’no. In my end, ginagawa ko lang ang trabaho ko and I need guidance. Lagi nilang ibinibigay sa akin and more than that,” sabi ni Echo.

Magsisimula na ang Magpahanggang Wakas sa Sept. 19.