• Home
  • Fresh Scoops
  • President Rodrigo Duterte turns emotional over daughter losing twins

President Rodrigo Duterte turns emotional over daughter losing twins

The president admits he cried upon hearing the sad news.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/10/2016 11:28 PM
President Rodrigo Duterte turns emotional over daughter losing twins


091016-PresDuterte_main.jpgMuntik nang maiyak si Pangulong Rodrigo Duterte nang ibalita niya na nakunan ang anak niyang si Sara Duterte-Carpio. Nabalita aniya ito noong Sa0bado matapos ang trahedyang naganap sa Davao kung saan nabombahan ang lugar.

Kwento niya, agad siyang nagpunta ng rest room para umiyak.

"I cried. These are the things in life na... You just have to be yourself," pahayag niya sa ABS-CBN News at sa iba pang taga media matapos dumalo sa ASEAN summit sa Indonesia.

Triplets sana ang magiging anak ni Sara at kwento niya nagsimula siyang makaramdam ng pananakit noong Lunes.

"Lunes, buong araw iyak ako ng iyak. I lost my identical twins.Actually daghan siya [doctor] gisulti but they really cannot say what happened,” sabi niya.

Hindi pa muna matatanggal ang dalawang fetus na namatay dahil lumalaban pa ang isa.