• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya actresses share their favorite moments with lolos and lolas

Kapamilya actresses share their favorite moments with lolos and lolas

Celebrities share their favorite memory with their lolos and lolas.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/10/2016 8:31 AM
Kapamilya actresses share their favorite moments with lolos and lolas


091016-Granny_main.jpg

Andrea Brillantes

"Lumaki kasi ako sa kanila. Parang form one years old hanggang three or four andun ako tapos parang sila na rin yung naging parents ko. Talagang super laki ng suporta nila sa akin. Actually lahat masaya para sa akin. Dapat lahat ng memories chini-cherish mo kasi madaming puwedeng mawala and lalo na nagpagod sila na palakihin ka ng mabuti. Naging chubby rin ako nun kasi lagi nila akong sino-spoil (laughs). Kaya ayun, mahal na mahal ko yung lola ko pati yung lolo ko. Super mahal na mahal ko sila. Sila talaga yung number one fan ko."

 

Michelle Vito

“Yung mommy ng daddy ko yung pinaka-close ko sa mga grandparents ko. I remember nung bata ako lagi ko siyang binubunutan ng puting hair tapos mahilig siya magpapunas sa akin ng cotton na may alcohol sa legs niya para daw mawala yung kati. Ewan ko nag-e-enjoy ako na ginagawa yun. Parang yun na rin naging bonding namin. Tapos lagi siyang nagbibigay sa amin ng food. Sobrang maalaga pa rin si lola kahit 60 na siya sobrang strong pa din niya and super love ko si Mommy.”

 

Sue Ramirez

“All my memories with my lola are the best. When I was a kid kasi she used to live with us. Siya talaga yung nag-alaga sa akin. My mom used to be always out of the country, ganyan. Naalala ko kasi dati nagsabi ako ng bad word tapos sinilihan ng lola ko yung bibig ko. Favorite ko siya kasi nakakatawa na lang siya alalahanin pero its really cute lang.”

 

Kristel Fulgar

“Yung samahan niya ako sa taping. Isang beses lang nangyari yun pero ang cute ng lola ko nun. Bata pa ako nun siguro mga nine years old ako nun. na-touch ako kasi parang walang sasama sa akin so parang sige siya na lang, yun.”

 

Jane Oineza

‘Siguro yung mga pag nakikipaglaro sila sa akin. Kasi ako mahilig ako makipaglaro sa mga lola ko pag bumibisita ako sa kanila yun yung naaalala ko. Naglulutu-lutuan kami. Ngayon kasi yung sa side ni daddy nasa province so hindi kami masyado nagkakasama tapos yung sa mommy naman yung lolo is patay na and si lola na lang yung andyan." 

 

Elisse Joson

"Favorite ko yung every Christmas we go to our province tapos dun kami nag-se-celebrate kasama si lola at lolo, namamasko kami sa Bataan. Kaso now my lolo and lola passed away na." 

 

Kamille Filoteo

“Favorite bonding namin yung turuan ako ng lolos lola ko magluto ng pagkaing bahay tulad ng sinigang, tinola, mga ganun. Mga 10 years old ako nun tinuturuan nila ako. Lolas girl ako"

 

Loisa Andalio 

“Kasi yung lola ko Iglesia siya. Hindi naman kami ganun ka-close pero every time na may samba lagi niya akong rini-remind na magsamba yun lang. Simula nung bata ako ganun na. So yun yung memory ko sa kanya.”