• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos reveals changes in his life because of ‘Till I Met You’

JC Santos reveals changes in his life because of ‘Till I Met You’

JC Santos also says he’s keeping in shape for upcoming scenes in ‘Till I Met You.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/10/2016 11:27 PM
JC Santos reveals changes in his life because of ‘Till I Met You’


091016-JCsantos_main.jpgPinag-uusapan gabi-gabi ang mga eksena sa kilig seryeng Till I Met You na pinagbibidahan ng JaDine tandem nina James Reid at Nadine Lustre kasama ang magaling na aktor na si JC Santos na bagong hinahangaan ngayon.

Nai-kuwento sa atin ni JC na maraming pagbabago ang nangyari sa buhay niya mula ng ipalabas ang TIMY lalo na kapag nasa pampublikong lugar siya. Pati daw ang kanyang social media accounts ay napapansin na rin.

"May nagpapa-picture sa mall, may ganun po nangyayari. Noong magsimula ako mag Instagram ang followers ko lang ay 4,000. Ngayon po ay 53 thousand na po yata."

Karaniwan na rin kasunod na issue ng isang aktor na nag portray ng gay role na pagdudahan ang kanyang kasarian. Sa kaso ni JC at di naman daw siya affected.

"Kung ganun po ibig sabihin para sa akin eh nabibigyan ko ng hustisya ang role ko. Compliment siya sa akin."

Kasali rin si JC sa men's edition ng isang fashion and lifestyle magazine. Ibinahagi ni JC na kina-career niya na magkaroon ng magandang katawan.

"I’m working hard every time for this body. Nagda-diet ako ng maayos kasi hindi ko alam kung kailan ako magtatanggal ng damit for the series," pagtatapos ni JC.