Lovi Poe says she prefers to be single for now

Lovi Poe admits she learned a lot from her last relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/1/2016 9:29 AM
Lovi Poe says she prefers to be single for now


090116-lovi_main.jpgItinanggi ni Lovi Poe ang isyu na dahil sa pagiging busy niya sa seryeng Someone To Watch Over Me ng GMA-7 at sa pelikulang The Escort ng Regal Films kaya napabayaan niya ang kanyang love life.

“Hindi naman sa napapabayaan but it’s just ang sarap lang ng ginagawa ko everything on my own. Of course, parang may mga times na you’d want to share a lot of things with someone pero wala din akong time, eh. Parang nakakatamad. Parang I just want to go home and rest after working,” rason niya sa Push.com.ph

Hindi ba niya hinahanap magka-BF ulit?

“Hindi naman. Parang ano naman ako ngayon… I’m inspired with a lot of things, hindi kailangan ng lalaki,” katwiran niya.

Eh, ano ba ang natutunan niya sa relasyon nila ni Rocco Nacino?

“Well, of course with the relationship that I just had ang dami kong natutunan, and there’s nothing wrong with our relationship. It was just that, parang ito, this is exactly what I needed. And it’s hard for me to let things go, mahirap yon para sa akin, pero may mga kailangan ka kasing gawin para ma-discover mo pa ang sarili mo.”

Personal choice din daw niya na maging loveless muna.

“Choice ko kasi yon, na parang kailangan ko munang gawin ito on my own. Sometimes kasi, some people work well alone. I’m not saying na I’m going to be like this forever pero ngayon, at this very moment, mas kaya kong gawin yung mga gusto kong gawin nang mag-isa,” sabi pa ng aktres.

Patuloy pa ni Lovi, “Ako kasi, hindi ko siya mapagsabay nang tama (career and love life), eh. Because ako, pag na-in love ako parang ang gusto kasama ko siya palagi.

“Hindi naman yung talagang nakadikit ko, parang you just love to spend most of your free time with him. Pero in my free time now ang dami ko pang puwedeng gawin.”

Paano ba ang ginagawa niya para makapag-move on agad?

“I keep myself busy. Yon talaga ang ginagawa ko, work lang po talaga. I don’t want to keep thinking or dwelling on something.”

Umiiyak ba siya sa lalaki at sa bawat breakup na nae-experience niya?

“I don’t cry on a normal day. I know how to control it, eh. I only cry when I get paid for it. Ilalabas ko lang siya kapag kailangan. I’m saving it for taping,” natatawa niyang pagtatapos sa Push.com.ph.