• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez’s advice for son Arjo Atayde: ‘Mahalin na lang niya ang pagiging kontrabida’

Sylvia Sanchez’s advice for son Arjo Atayde: ‘Mahalin na lang niya ang pagiging kontrabida’

Sylvia Sanchez shares the challenge of balancing motherhood and a career.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/10/2016 7:26 AM
Sylvia Sanchez’s advice for son Arjo Atayde: ‘Mahalin na lang niya ang pagiging kontrabida’


081016-sulvia_main.jpgAs the star of The Greatest Love, Sylvia Sanchez hopes the audience will learn something from the new family drama. "Dito namin ipinapaabot sa mga viewers, kasi lagi naming sinasabi ng mga anak na hindi tayo naiintindihan ng mga magulang natin lalo na pag nag-aaway away tayo. Pero si Gloria dito ang ipinapaabot niya sa anak niya is, ‘Naiintindihan kita anak. Kaya ko ginagawa ito kasi ayokong maranasan mo yung mga nararnasan ko sa buhay ko.’ Yun lang yun. Nanay siya na lahat binalewala pagdating sa buhay niya. Pagdating sa kaniya binigay niya lahat sa mga anak niya. Ang panganay ko si Dimples (Romana) followed by Matt (Evans), Arron (Villaflor) then si Andi (Eigenmann),” she explained.

After decades of being in showbiz, Sylvia shared her secret to longevity in the industry. "Siguro minahal ko yung trabaho ako, nagpaka-professional ako. Hindi ako nagpasaway. The more na tumatanda ako, the more na nag-aaral ako, open ako dun sa salitang, ‘Gusto ko pa matuto.’ Tapos minahal ko yung mga tao sa paligid ko sa taping. Mula sa boss namin hanggang sa utility. Yun lang yun. Respeto lang. At saka siguro palagi kong sinasabi ito pati sa mga anak ko, yung key ko talaga sa buhay ko dahil dire-diretso yung blessing ko, mula noon hanggang ngaon nonstop. Pagdating sa set pinaparamdam ko yung pagmamahal ko sa staff at sa lahat. Hindi ako nagpapaka-artista. Andun ako as Sylvia tapos pag rumolyo ulit ang camera dun artista ako pero off cam kaibigan ko lahat. Hindi po ako namimili ng tao,” she admitted.

With two of her kids already in showbiz (Arjo and Ria Atayde). the veteran actress said she is still trying to balance her life so she can still be a doting parent. "Kahit nasa shooting or taping ako tumatawag ako sa kanila. Masasabi ko na I’m not a perfect mom pero I’m trying to be the best mom. Ayokong makitang umiiyak yung mga anak ko. Ayokong may masaktan. Ayokong tumanda silang hindi sila nagtagumpay. Pero siyempre may hirap sa buhay na kailangan nilang danasin para maging matapang din sila and at the end of the day gusto kong makita ang mga anak ko na maayos sila. Binago ang pagkatao ko ng mga anak ko. Yung mga dati kong bisyo, dati kong lakwa-lakwatsa, nawala yun dahil sa mga anak ko. Ngayon ang mundo ko ang pamilya ko at asawa ko,” she explained.

The Greatest Love actress said her children’s happiness is her top priority in life. "Gusto ko marinig sa mga anak ko later on, ‘pag may kanya-kanya na silang buhay, sabihin na nila sa akin, gusto ko marinig sa kanila, ‘Ma, thank you. Kasi lahat tinuro mo, lahat inaayos natin. Nagbigayan tayo. Bilang anak at ina, hindi tayo lumaki na nagpataasan ng pride.’ At saka gusto ko marinig na hindi man ako naging perfect na nanay, makita ko man lang sa kanila or kahit huwag na marinig pero maramdaman ko na naging okay akong nanay sa kanila,” she admitted.

With her eldest son Arjo part of the the top series in the country Ang Probinsyano, Sylvia shared the side of him people don’t see onscreen. "Si Arjo ay bully. At saka ang pangarap talaga niya nung una ay maging Jim Carrey ng Pilipinas. So comedy talaga ang gusto niya tapos napunta siya sa kontrabida. Nakakatawa siya. Pero nung bata siya meron na siyang mga ginagawa pero ngayon lang talaga siya sobrang naging active sa sports. Hindi ko pa siya napapanud dun (sa football) pero kagaya ngayno may wakeboarding pa siya,” she shared.

Sylvia said if there was one advice about work she would give her son, it would be this, "Wala, mahalin na lang niya ang pagiging kontrabida, panindigan niya (laughs). Minahal naman siya ng tao kahit kontrabida siya,” she added.