Jaya gives tips for Tawag ng Tanghalan contestants

Jaya admits she wants to do the theme song of a Kapamilya teleserye.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/10/2016 7:29 AM
Jaya gives tips for Tawag ng Tanghalan contestants


081016-jaya_main.jpgExcited na nagpa-interview ang bagong Kapamilya singer na si Jaya na looking forward sa bagong chapter ng kanyang career. Dito naibahagi ng Queen of Soul ang bagong challenge na kanyang hinaharap bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan na napapanood sa It’s Showtime.

"Hindi mo talaga alam ang mangyayari for that day. Ang basehan ko na kang kapag mag judge kung ano lang ang narinig ko sa araw na iyon ang hirap na i-focus mo lang ang attention mo sa tao na yun."

Bukod sa challenge bilang isang hurado, nagbigay din ng tip si Jaya sa mga darating pang contestants ng Tawag ng Tanghalan.

"Kapag papasok kayo at tutungtong sa entablado na yan, you give it your best. Do not give the others the edge na matalo ka. Kung may tinatago ka sa baul na kantang pamatay, yun na ang pang gera mo yun na ang sandata mo."

Sa bagong simula sa kanyang career bilang Kapamilya, hiling ni Jaya na sana ay mabigyan din siya ng pagkakataon na kumanta ng isang teleserye theme song.

"Umamin tayo na kapag kumanta tayo ng isang teleserye song specially it’s one of those na tumatalbog sa TFC na naririnig nila, napapanood nila, it’s something really special for me."

Inaayos na rin ngayon ang isang bagong music album para kay Jaya at out of the country shows para maka bonding ang kanyang fans sa ibang bansa.