• Home
  • Fresh Scoops
  • Derrick Monasterio receives indecent proposal from high-profile gay personality

Derrick Monasterio receives indecent proposal from high-profile gay personality

Derrick Monasterio says he’s flattered that a high-profile gay personality offered him an indecent proposal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/9/2016 9:00 AM
Derrick Monasterio receives indecent proposal from high-profile gay personality


080916-derrick_main.jpgIsa si Derrick Monasterio sa showbiz hunk na actor na hinahangaan at pinapantasya ng gay community at kababaihan. Nagsimula raw ito simula nu’ng rumampa siya sa Cosmo bash at nagpakita ng kanyang katawan.

“Para sa akin nakakatuwa po yon kasi para rin po silang girls, eh. Kumbaga, mas mataas yung taste nila, parang ganu’n, kesa sa mga babae. Para sa akin mas compliment yon kesa crush ka ng babae.

Halimbawa, crush ka ng babae, okey lang. Pero crush ka ng gay, ‘Ah, talaga?’ Ganu’n yung dating sa akin. Nakakatuwa at nakaka-flatter po sa akin yon,” walang kiyemeng paliwanag ni Derrick.

Na-experience na ba niyang maligawan ng bading o magkaroon ng indecent proposals?

Meron po!” pag-amin niya na natatawa. “May middle man po sila. Hindi po nila pinakilala yung gay talaga, eh, kasi high-profile daw po,” patuloy niya na natatawa pa rin.

Eh, ano ba ang in-offer sa kanya ng high-profile gay personality?

“Condo. Pero hindi ko po nire-replyan, eh. Hindi ko nga po alam kung saan nakuha yung number ko. Hindi ko na rin po tinanong kasi ayokong replyan. Tinext lang po ako.

Pero mukha po kasing legit kasi yung details na binibigay niya don sa… parang totoo, eh. BGC nga daw, eh.

Hindi ba siya nabastos sa alok?

“Na-flatter naman pa rin po ako kahit papaano,” sagot pa niya.

Ayon pa sa binata, yung ibang gays naman daw ay halatang nahihiyang i-approach siya.

Parang nahihiya sila. Pero parang dinadaan nila sa biro. Majority po talaga bading, walang pong girls, eh.”

Hindi na rin daw niya sinasabi sa mom niya (Tina Monasterio) na dating artista ang tungkol sa mga natatanggap na indecent proposals?

“Hindi ko na sinasabi kasi parang hindi ko naman po papatulan. Hindi ko po sinasabi kasi kaya ko namang i-handle ang sarili ko. Kaya ko namang kitain yon. Never po akong papatol, parang hindi ko po nakikita,” paninigurado ni Derrick na kapipirma lang ng exclusive contract sa Regal Films.