• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bautista reveals preps for ‘Jersey Boys’ musical

Christian Bautista reveals preps for ‘Jersey Boys’ musical

Christian Bautista says he’s still nervous about his new musical even if he’s already done some in the past.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/9/2016 9:05 AM
Christian Bautista reveals preps for ‘Jersey Boys’ musical


080916-christian_main.jpgSa media launch ng SmartBro Best Deal for iPad Mini2, ganado na nagpa-interview ang isa sa kanilang celebrity endorsers na si Christian Bautista na abala ngayon sa paghahanda bilang isa sa lead role ng stage musical na Jersey Boys.

"The rehearsals start in less than two weeks. Pinanood ko ang movie at yung musical sa West End and binabasa ko ang script almost daily reviewing kung sino talaga ang character ko. I have to be a real living character and I try to inject a little bit of acting para di naman robitic ang dating."

Gagampanan ni Christian ang role ni Bob Gaudo at kahit marami ng sinalihan na stage production ang singer/actor, normal pa rin daw na mas nakaka-kaba ang ganitong project dahil live ang bawat performance.

"Mas mahirap pero ayoko sabihin na mas fulfilling. Whether you are onstage or infront of a camera, fulfilling yun. Mas mahirap lang ito kasi it’s live, walang cut at walang take two at ang take two mo bukas na ibang audience na yun."

Nai-share din ni Christian ang kanyang reaction kapag may basher siya sa social media. "Block walang reaction unless they hit on my family. I did sometimes to some followers who stepped out of line pero as much as possible I try to be quiet or be peaceful kapag sumobra na, I have to say something" pagtatapos ni Christian.