• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford is open to be part of a serious gay-themed movie

Billy Crawford is open to be part of a serious gay-themed movie

Billy Crawford admits he hasn’t done drama in a long time.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/10/2016 7:33 AM
Billy Crawford is open to be part of a serious gay-themed movie


081016-billy1_main.jpgSa red carpet premiere ng pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment sa SM Megamall Cinemas, nai-share ng isa sa lead stars ng pelikula na si Billy Crawford na marami siyang natutunan sa pagganap ng papel bilang isang gay sa pelikulang ito na idinirek ni Joel Lamangan.

"I realize it’s not all about the gender. It gets more complicated by the day pero ang masasabi ko lang I enjoyed my role here, I enjoyed my character and sana maka-connect ako sa lahat in this movie that will break barriers of all genders."

Dahil bata pa lang ng magsimula sa showbiz, maaga siyang napaligiran ng gay people na masayahin at malaki ang naitulong sa kanya kaya’t nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikula kasama sina Angeline Quinto, Kean Cipriano, Eric Quizon at iba pa.

"Matagal ko ng mahal ang gay community. My dearest friends are gay. Hindi ko masasabi na naintindihan ko na pero I lived it a bit and did the process."

At dahil nag enjoy si Billy sa pagganap ng gay role, bukas siya sa option na gumanap ng isa pang gay role sa seryoso namang pelikula. "Maybe something serious one of these days. I haven’t done it for so long, maybe something. I don’t know. Sana," pagtatapos ni Billy.