James Yap is once again a proud dad to a baby boy

Michela Cazzola has given birth this afternoon at the St. Luke's Medical Center.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

8/8/2016 10:58 PM
James Yap is once again a proud dad to a baby boy


080816-JamesYap_PUSH.jpgKinumpirma ng basketball player na si James Yap kay ABS-CBN news reporter Ginger Conejero na nanganak na ang kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola kaninang 6:55 pm. sa St. Luke's Medical Center. 

Masayang-masaya si James at sinabing papangalanan nilang Michael James ang kanilang baby boy. 

Pangatlong anak na ito ni James. Mayroon siyang anak sa dating asawa na si Kris Aquino na si James Yap Jr. o mas kilala na Bimby. May isa pa siyang anak sa dating nakarelasyon. 

Matagal na daw silang hindi nagkikita ni Bimby pero gusto din daw niyang makilala ni Bimby agad ang kanyang kapatid.