• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, James Reid and Morisette are big winners at the MOR Pinoy Music Awards 2016

Daniel Padilla, James Reid and Morisette are big winners at the MOR Pinoy Music Awards 2016

Daniel Padilla took home the Phenomenal Artist of the Year Award.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/8/2016 4:47 PM
Daniel Padilla, James Reid and Morisette are big winners at the MOR Pinoy Music Awards 2016


080816-DanielPadilla_PUSH.jpgStar studded ang katatapos lang na 2016 MOR Pinoy Music Awards na naganap sa Kia Theater sa Cubao. Ito ang awards na ibinibigay ng MOR Radio ng ABS-CBN at bumoboto ang fans sa bawat kategorya kung sino ang mananalo.

Nasungkit ni Kim Chiu ang LSS Song of the Year Award para sa kanyang single na “Mr. Right.” "Natutuwa naman ako kasi na nominate siya at sobrang happy kasi nanalo na siya finally!" sabi ni Kim pagkatanggap sa kanyang award.

Si Bailey May naman ang nakakuha ng Best New Artist of the Year Award at kabado siya habang tinatanggap ang award.

"Words can’t describe how i feel right now, I’m shaking!" sabi pa ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Ang revival song ni Daryl Ong sa kantang “Ikaw Na Nga” ang nakakuha ng Best Revival Song of the Year Award.

"Of course sobrang thankful ako sa MOR, sa lahat ng listeners ng MOR na nagre-request ng version ko ng ‘Ikaw Na Nga," sabi pa ng singer.

Hindi naman inakala ni Morisette na siya ang mananalo na Best Female Artist of the Year. "Nagulat po ako kasi di ko talaga in expect!" sabi ng isa sa mga birit queens ng ABS-CBN. At isa sa major awards na ibinigay ng gabing iyon ay ang Phenomenal Artist of the Year na nakuha ni Daniel Padilla.

"Wala, wala ako masabi! Thank you sa MOR sa award na ibinigay nila sa akin!" sabi pa ni Daniel. Ito ang kumpletong listahan ng mga nanalo noong Linggo ng gabi:

LSS HIT OF THE YEAR : “Mr. Right” by Kim Chiu

BEST COLLABORATION OF THE YEAR : Jadine for the song “Hanap Hanap”

BEST NEW ARTIST: Bailey May

REGIONAL SONG OF THE YEAR: “Hahaha Sula” by Kurt Fick

BEST REVIVAL SONG OF THE YEAR:Ikaw Na Nga” by Daryl Ong

OPM ACHIEVEMENT AWARD: Rey Valera

ALBUM OF THE YEAR: Darren by Darren Espanto

MALE ARTIST OF THE YEAR: James Reid

FEMALE ARTIST OF THE YEAR: Morisette

SONG OF THE YEAR: Trianggulo by Thyro and Yumi

PHENOMENAL ARTIST OF THE YEAR: Daniel Padilla