• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla is excited for fans to see his new film with Kathryn Bernardo

Daniel Padilla is excited for fans to see his new film with Kathryn Bernardo

The young actor said he and love team partner Kathryn Bernardo got into very serious acting in Barcelona: A Love Untold.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/8/2016 5:00 PM
Daniel Padilla is excited for fans to see his new film with Kathryn Bernardo


080816-daniel_main.jpgPinag usapan at marami ang kinilig ng ipost sa social media ang unang teaser ng bagong KathNiel movie na Barcelona: A Love Untold, na kinunan sa Barcelona, Spain ang karamihan sa mahahalagang eksena.

Maski si Daniel Padilla, hindi maitago ang ngiti ng mapanood ang teaser ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

"Ayun nga yung Barcelona very excited na kami lahat na ipalabas na, kahit kami nina Kathryn, Inang (Olive Lamasan) sobrang excited na. Ang sarap kapag hindi minamadali ang eksena talagang lahat tutok," kwento ng aktor.

Ibang level na daw ang papel at mga eksena dito nina Kathryn at Daniel na ikagugulat ng kanilang fans.

Bagay na bagay sa love team ang proyekto, na natural lumabas ang pag-arte nila sa kanilang sa mga eksena.

"Seryoso na talaga itong movie namin, pero siyempre ‘di naman sobra, pero seryoso na tayo. Ang galing ng transition, sakto sa edad namin ni Kathryn, walang pilit," dagdag ni Daniel.

Kuwento pa niya, kasama pa rin syempre ang mga nakakakilig na eksena nila ni Kathryn.

"Pwede naman tayo magpakilig na seryoso na ang atake. Siyempre mga fans namin tumatanda na rin, sila yun na rin hinahanap nila sa amin." C

oming soon na sa mga sinehan ang Barcelona: A Love Untold in theaters nationwide and abroad.