• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo and Gerald Anderson react on Maja Salvador and John Lloyd Cruz’ photo

Bea Alonzo and Gerald Anderson react on Maja Salvador and John Lloyd Cruz’ photo

Bea and Gerald also admitted to hanging out with one another recently.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/8/2016 7:49 PM
Bea Alonzo and Gerald Anderson react on Maja Salvador and John Lloyd Cruz’ photo


080816-GeraldBea_PUSH.jpgPinag usapan sa social media ang picture na magkasama nina Maja Salvador at John Lloyd Cruz na magkasama sa harap ng movie poster ng How To Be Yours at ginaya ang blocking ng mga bida dito na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ex-boyfriend rin ni Maja si Gerald at nauugnay naman si Lloydie kay Bea.

Nakangiti si Bea na ibinigay ang kanyang reaksyon at nagpasalamat sa dalawa.

"Na-touch nga ako kasi yung ginawa nila sobrang sweet nun ha?! Talagang nagpa-picture pa sila doon sa poster, parang ini-enganyo nila ang mga tao to watch it," sagot ni Bea. 

Si Gerald naman, binalikan ang magandang samahan nila noon ni Maja.

"She’s one of the nicest persons I’ve met in my life that just shows kung gaano siya ka down-to-earth and mature," sabi naman ni Ge. 

Inamin din nila Bea at Gerald na nasundan ang paglabas nila ng magkasama. 

Sa isang activity center sa Mandaluyong ang naging venue ng kanilang "chill out” session. 

Huwag daw muna pangunahan at bigyan ng label ang kanilang samahan basta masaya daw sila ngayon at mabuting magkaibigan.