Teen housemates enter Pinoy Big Brother house

19-year-old Maymay Entrata was first introduced yesterday as she was the lucky teen chosen by the celebrity housemates.

BY GARY ANN LASTRILLA

Twitter: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

8/7/2016 8:48 AM
Teen housemates enter Pinoy Big Brother house


080716PBB_main.jpgIsa-isa ng pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga teen housemates noong Sabado, Agosto 6.

Una na ngang ipinakilala ang 19-year-old “Ms. Wacky-Go-Lucky ng Cagayan de Oro” na si Maymay Entrata noong Biyernes sapagkat siya ang napiling lucky teen ng mga celebrity housemates para pumasok sa Bahay ni Kuya.

READ: Jinri, McCoy and Nikko to continue their PBB journey after winning Big Brother’s Lucky Stars 

Noong Sabado, ipinakilala na rin ang mga male teen housemates na sina:

14-year-old Aizan Perez, ang Old Skulit ng Batangas

15-year-old Edward Barber, ang Cheerful Charmer ng Germany

15-year-old Christian Morones, ang Courtside Kusinero ng Zamboanga

15-year-old Marco Gallo, ang Pilyo Bello ng Italy

18-year-old Yong Muhajil, ang Pag-a-son ng Angkan ng Zamboanga

Bagama’t hindi pa nakakapasok ang mga female teens, binigyan na agad ng unang task sina Maymay at ang mga boys kung saan dito isasalalay ang magiging pagkain nila sa mga susunod na araw.

Magtatagumpay kaya ang mga naunang teens sa task? Abangan ‘yan at ang pagpasok ng mga female teen housemates sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi sa ABS-CBN.