• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista defends herself from bashers regarding her ‘involvement’ with Mario Maurer

Kakai Bautista defends herself from bashers regarding her ‘involvement’ with Mario Maurer

Publicist Joyce Ramirez called the attention of Kakai Bautista after she mentioned her name on a Facebook post.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

8/8/2016 12:45 AM
Kakai Bautista defends herself from bashers regarding her ‘involvement’ with Mario Maurer


080816-kakai_main.jpgSa pagdating ng Thai actor na si Mario Maurer sa Pilipinas noong August 6 para i-promote ang kanyang homeland dahil siya ang napiling Amazing Thailand campaign ambassador ng Tourism Authority of Thailand, ay muli nanamang nabuhay ang isyung pagkaka-involve niya sa comedienne na si Kakai Bautista.

Sa kanyang official Facebook page ay dumepensa siya laban sa bashers at sinabing, “Apat na taon na po akong nanahimik, never ko pong naipagtanggol ang sarili ko sa lahat lahat po ng panglalait na natanggap ko.

Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin. Pero sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God Bless you all.”

Kasama ng post ay ang exchange of comments ng iba’t-ibang press people sa post ng Kapamilya writer na si Ian Reyno.

080816-kakai2_main.jpg

Matapos banggitin ng Dental Diva ang pangalan ni ‘Joyce’ ay nag-react ang publicist ng event ni Mario dati at nag post sa sarili niyang Facebook account na siyang sinama ni Kakai sa kanyang post.

“Sinong Joyce naman 'yan Kakai Bautista? Have you met me personally to warrant a name drop? Baka naka-drugs ka, I will kill you,” sabi ni Joyce.

080816-kakai1_main.jpg

Si Mario ay nakilala sa Pilipinas nang ipalabas sa Kapamilya network ang kanyang show na Crazy Little Thing Called Love noong 2011 at noong 2012 ay gumawa siya ng pelikula kung saan nakatambal niya si Erich Gonzales sa Suddenly It’s Magic. Doon niya rin naka-trabaho si Kakai. Kumalat naman ang kanilang sweet photos noong 2013.