• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Tates Gana says son Harvey Bautista will focus on his studies for now

EXCLUSIVE: Tates Gana says son Harvey Bautista will focus on his studies for now

Tates Gana says that her son Harvey Bautista will be taking on less TV projects.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2016 8:14 AM
EXCLUSIVE: Tates Gana says son Harvey Bautista will focus on his studies for now


080716TatesGana2_main.jpgPinasok na rin ni Tates Gana, nanay ng Goin’ Bulilit child actor at dating karelasyon ni Mayor Herbert Bautista ang radio broadcasting. Si Tates ang co-anchor ni Angelo Almonte sa programang Serbisyo Publiko ng DZRJ 810 AM (11 am to 12 noon, Monday to Friday) at 8 TriTV Cablelink Channel 7.

Sa interbyu namin kay Tates, naikuwento niyang fulltime student ngayon ang anak na si Harvey who is in Grade 8 kaya madalang makita sa mga TV shows ng ABS-CBN.

“Dapat meron siyang Jadine, anak siya ni Ser Chief (Richard Yap) dapat, eh, kaso nasa regular school kasi siya. Tapos parang three months ata magra-run yon. Siyempre, MWF (Monday, Wednesday, Friday) yung taping. Siyempre mapupuyat, Tuesday and Thursday di na makakapasok, di ba? Eh, I said no na lang,” kuwento ng ina ni Harvey.

Aminado si Tates na nami-miss ng anak ang pag-arte kaya lang mas priority daw talaga niya ngayon ang pag-aaral.

“After ng Goin’ Bulilit nag-Wansapanataym pa siya, eh. Tapos ngayon, may callback siya para naman sa horror movie ng MMFF. Allowed ko pa rin naman siyang mag-artista, pero dapat hindi masyadong maapektuhan yung school.

“Eh, tutal ang gusto sa kanila ni Direk Bobot (Mortiz), pag grumaduate sila (sa Goin’ Bulilit), dapat itago muna sila, eh. Dahil awkward stage, awkward age, di ba? Lumalabas sila 14, 15 na. Eh, magti-thirteen pa lang siya,” kuwento pa ni Tates.

Eh, kumusta naman ang pagsabak niya sa radio at pagiging anchor?

“Siyempre, ang personality ko hindi naman madaldal. Kaya sabi ko, maggi-guest kami ng isang tao from a government agency para lahat ng calls and text nila, example sa SSS, at least masasagot nila.

Hindi pinalad na manalong konsehal ni Tates sa Quezon City nung kumandidato siya, pero naniniwala siya na kahit wala siyang posisyon sa gobyerno ay makakatulong pa rin siya sa mga tao.

“Ngayon mas malawak yung maabot ko, mas marami kang mararating na nangangailangan. Ili-link mo lang naman, di ba? Natulungan mo na silang lahat nasagot pa yung mga concerns nila,” pahayag pa ni Tates.