• Home
  • Fresh Scoops
  • Brothers Aljur, Vin and Allen Abrenica top bill "Hermano Puli"

Brothers Aljur, Vin and Allen Abrenica top bill "Hermano Puli"

Aljur says he was inspired by the works of 19th century preacher, Hermano Puli.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/8/2016 12:20 AM
Brothers Aljur, Vin and Allen Abrenica top bill


080816-VinAljurAllen_PUSH.jpgMagkakasama ang Abrenica brothers na sina Aljur, Vin at Allen sa indie film na Hermano Puli na base sa tunay na buhay ng 19th century preacher na si Hermano Puli mula sa Lucban, Quezon na nagsimula ng movement para sa equality at religious freedom laban sa mga Kastila.

Kuwento ni Aljur, bukod sa pag ganap sa title role, malaki rin ang kanyang contribution behind the scene sa pagbuo ng pelikula.

Hindi ko talaga makakalimutan yun yung atruggle ng paghahanap ng producer para mabuo itong pelikula namin, magkasama kami ni Direk Gil Portes sa iba ibang lugar. Mahirap talaga," kwento ni Aljur.

Na-inspire daw kasi si Aljur sa life story ni Hermano Puli at magiging magandang halimbawa daw ito sa mga kabataan ngayon.

"For me Hermano Puli is an eye opener, a hero and a good example for us. Kasi si Hermano Puli ang kauna unahang Pilipino na lumaban sa mga Espanyol pagdating sa beliefs at pagmamahal sa kultura, pagmamahal sa bayan at sa Diyos," paliwanag pa ng aktor.

Mas nadagdagan ng determinasyon si Aljur sa Hermano movie dahil kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen. Naging isang malaking bonding time daw ito para sa kanila.

"I never felt na I have to do this, na napipilitan ka, the journey is amazing kasi sila ang ka-trabaho ko. Inspired ka mag-trabaho the whole day, kahit mga free time namin, masaya kaming tatlo, hindi kami natutulog. Binabantayan namin ang eksena ng bawat isa."

Para kay Allen, na sasabak sa una niyang pelikula, nagbigay pangaral daw ang kanyang mga kuya sa propesyon na pinasok niya.

"Kailangan galing sa puso at alam mo ang character mo alam mo ang gagawin mo pag aaralan talaga dapat ang role," sambit ni Allen.

Ang Hermano Puli ang napili bilang closing film ng 2016 Cinemalaya Film Festival na magaganap sa August 13 sa CCP Main Theater.

“Our hopes are high. Ang mission lang naman namin dito is yung passion namin na makabuo ng magandang project yung magandang example ni Hermano Puli" pagtatapos ni Aljur.