• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says Ryan Agoncillo helped her in her dramatic scenes in Kusina

Judy Ann Santos says Ryan Agoncillo helped her in her dramatic scenes in Kusina

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/6/2016 9:17 AM
Judy Ann Santos says Ryan Agoncillo helped her in her dramatic scenes in Kusina


080616-JudyAnnSantosr_main.jpgPresent si Judy Ann Santos sa advance screening at press preview ng pelikula niyang Kusina na ginanap sa Director’s Club Cinema ng SM Megamall. Pero hindi siya pumasok ng sinehan para panoorin ang sariling pelikula.

Ang Kusina ay kasali sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival na tatakbo mula August 5 hanggang August 14.

Nando’n kasi yung takot ko at kaba kasi ibang-iba siya. Kumbaga, hindi siya ‘yung normal na pelikulang ginagawa ko na nagpapatawa ako, yung kung iiyak, iiyak, family drama o ano,” rason niya.

Dagdag pa ng magaling na aktres, “Pero feeling ko lang, bago ako mag-40, gusto ko lang mag-break away sa normal roles na ginagawa ko. Siguro ano lang, assurance lang sa sarili ko na kaya ko pa palang umarte, yung ganu’n ba.”

Nagbigay din ng reaksyon ang Drama Queen sa pagpasok ng maraming baguhan pero magagaling na artista sa industriya ngayon.

“Siguro, ‘pag matagal kang napahinga tapos marami kang nakikitang mga batang artisang nagsisipagdatingan na magagaling, meron kang… you always question yourself,” sey pa niya.

Nang usisain naman namin ang aktres kung totoo bang ang asawa niyang si Ryan Agoncillo ang dahilan kung bakit hindi siya gumagawa ng pelikula with Piolo Pascual, sabi ni Juday, “Mali yung iniisip ng mga tao na ayokong gumawa ng pelikula with Piolo because Ryan, no, it’s not like that.

“It’s not him, it’s me,” sabay tawa niya nang malakas.

Eh, kelan ba umokey si Ryan sa Juday-Piolo movie?

“Matagal na… matagal na! Marami na ngang mga proposals, eh. At saka wala namang kailangang ayusin sa aming dalawa (Piolo) kasi wala namang nangyari,” tawa ulit ng aktres.

Gusto rin ni Juday na muling makatrabaho si Charo Santos na sa Esperanza pa raw niya huling nakasama. Interesado rin siyang makatrabaho si Vilma Santos.

Ang tagal na, di ba? Nung time kasi after ng Esperanza, peak kasi ng pagiging president niya (ng ABS-CBN). Pero kung puwede lang naman. Kung hindi keri, okey lang din. Ayoko naman siyang i-pressure.”

Eh, how about Cong. Vilma Santos? Kelan kaya sila makakagawa ng pelikula?

Merong tamang project na darating sa tamang pagkakataon. Hintayin ko na lang yon. Hihintayin ko na lang. Hopeful ako na makakagawa pa rin ako ng pelikula with Ate Vi.”

Gusto rin ulit makatrabaho ni Judy Ann si Sharon Cuneta.

Sa mga director naman, umaasa siyang mabibigyan din ng pagkakataon na maidirek nina Olive Lamasan, Lav Diaz, Jerold Tarog at Brillante Mendoza.

Siyempre, pag may nababalitaan ka about them meron kang parang curiousity na paano kaya sila makatrabaho, kailan ko kaya sila makakatraabaho, may maganda kayang project for us? Palaging may question na ganu’n.

“But I’m not rushing things, kung kailan yon. Naniniwala ko na it will come. Gusto kong manggaling sa kanila, yung may maisip silang project na, ‘Ay, maganda kay Judy Ann ito.’ Ayokong i-push yung sarili ko sa kanila kasi baka maging malasado,” pagtatapos ni Judy Ann.