• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinri, McCoy, and Nikko to continue their PBB journey after winning Big Brother’s Lucky Stars

Jinri, McCoy, and Nikko to continue their PBB journey after winning Big Brother’s Lucky Stars

Jinri, McCoy, and Nikko win as Big Brother’s Lucky Stars

BY GARY ANN LASTRILLA

Twitter: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

8/6/2016 10:28 AM
Jinri, McCoy, and Nikko to continue their PBB journey after winning Big Brother’s Lucky Stars


080616-PBBSeason7.jpgKung si Jinri Park ay napagtagumpayan lahat ng pagsubok ni Kuya, sina 2-in-1 housemate, Hashtags’ McCoy de Leon at Nikko Natividad, naman ang nakakuha ng pinakamataas na percentage of final votes mula sa publiko with 46.95% ngayong Biyernes, Agosto 5.

Dahil dito, pasok na sila bilang Lucky Stars at magpapatuloy ang journey sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Samantala, lumabas na ng Bahay ni Kuya sina Hideo, Nonong, JK, Elisse at Yassi. Sa pagpapakita ng final vote standing, napag-alamang nakakuha si Hideo ng 1.95% of votes, si Nonong with 5.53%, si JK with 7.59%, si Elisse with 17.13% at si Yassi with 20.85% of public votes.

Inanunsyo na rin kung sino ang lucky teen housemate na napili ng mga celebrities para makapasok sa PBB house. Maalala na kinailangan nilang mapagtagumpayan ang 7 Big Tasks ni Big Brother simula pa noong nasa Vietnam upang makapagpapasok ng isang teen housemate sa bahay.

Napili nila si Maymay, 19 years old at tinawag na Ms. Wacky-Go-Lucky ng Cagayan de Oro.

Sa pagpasok ng mga teen housemates, isang panibagong yugto na naman ang aabangan sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi sa ABS-CBN.