• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador records song with mom for MMK 25 Life Songs album

Janella Salvador records song with mom for MMK 25 Life Songs album

Janella Salvador will also be reunited with Richard Yap and Marlo Mortel for ‘Mano Po 7.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/6/2016 9:35 AM
Janella Salvador records song with mom for MMK 25 Life Songs album


080616-JanellaSalvador_main.jpgIsa sa mga kanta na kabilang sa MMK 25 Life Songs album ang “Iingatan Ka” na duet ng showbiz mother and daughter tandem nina Janine Desiderio at Janella Salvador.

"Actually noong narinig ko ang finished product ng recording namin na iyon ng mom ko, naiyak ako siguro kasi talagang heartfelt ang kinanta namin and it’s a big thing na makasama ko iyung mom ko sa isang project."

Mistulang reunion din ang susunod na pelikula ni Janella dahil gaganap siyang anak ni Richard Yap sa Mano Po 7 at muli makakatambal ni Marlo Mortel.

"Masaya ako kasi reunion ito with my Papa Chen parang Be Careful and nakaka excite din to work with meet people and of course magkaka work ulit kami ni Marlo."

Kasama sa role ni Janella sa Mano Po 7 ang pag-aaral niya ng Chinese language na kailangan sa pelikula.

"Lahat ng language natututunan ko na kung sa TV. Nag Japanese ako para sa Born for You; dito mag aaral ako ng Chinese language and first time ko rin makakapunta sa China," sabi pa ni Janella.