Richard Yap leads cast of “Mano Po 7”

The actor says his role in “Mano Po 7” may be one of the most important roles he will be playing in his career.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/5/2016 12:18 PM
Richard Yap leads cast of “Mano Po 7”


080516-richard1_main.jpg

Nagkaroon ng story conference sa Valencia Events Place ng Regal Entertainment para sa pelikulang Mano Po 7.

Ang ABS-CBN actor na si Richard Yap ang bibida sa latest installment na ito ng movie franchise na nagku-kuwento ng buhay at kultura ng mga kapatid na Chinoy sa Pilipinas.

Kuwento ni Richard, ito na ang isa sa importanteng roles na gagawin niya. "I could say that this is the most dramatic role I’m getting so far. May mga comedy touches din pero more on the drama side."

Ang Alagwa film director na si Ian Lorenos ang mamamahala ng Mano Po 7 na naka-schedule na mag-shooting sa China, kung saan tumira noon si Richard kaya familiar siya sa kanilang mga location na napag-usapan.

Makakatulong din daw si Richard sa detalye ng pelikula dahil sa nakalakihan niyang pamilya at kultura.

"With my experience personally, I can help give life to the movie," dagdag ng aktor.

Kasama rin sa pelikula sina Jean Garcia, Janella Salvador, Marlo Mortel at Jana Agoncillo.

Magsisimula na ang shooting ng Mano Po 7 next week.