Mocha Uson has a message for her bashers

Mocha Uson denies being the appointed social media consultant of Bureau of Customs

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/5/2016 12:09 PM
Mocha Uson has a message for her bashers


080516-mocha_main.jpg

Sa exclusive report ni Mario Dumaual para sa Bandila, nilinaw ng sexy singer na si Mocha Uson na hindi siya appointed bilang social media consultant ng Bureau of Customs.

Sagot ito ni Mocha sa katakot-takot na pambabashing na natanggap niya sa social media nang pumutok ang balita na siya ang newly appointed social media consultant ng BoC.

Ani Mocha, “Walang official statement na si Mocha Uson ang social media consultant ng BoC. ‘Wag po kayo mag-alala hindi po mapupunta sa akin ang tax ninyo. Walang ganun kasi ako ang nagboluntaryo na tumulong  po sa lahat po ng ahensiya ng ating gobyerno.”

 Ang totoong rason diumano ng pagpunta ni Mocha sa BoC ay ang pagdulog niya ng problema ng sobrang pagpataw ng tax sa mga balikbayan boxes. Nakausap na din daw niya ang iba pang opisyal ng Duterte administration at naidulog na rin ang mga concerns ng ilan sa kanila. Susunod din daw na kakausapin ni Mocha si Vice President Leni Robredo para naman sa mga idinulog na problema sa kanya ng ilang kababayan tungkol sa housing. 

Naghimutok rin si Mocha sa pamba-bash na natanggap niya mula sa mga netizens.

“Inuungkat pa yung mga sexy pictorials ko noon, yung sex blog ko noon. Six years ago pa yung mga tweet ko, nirere-tweet nila. Dapat suportahan natin yung mga taong gustong magbago. Ito na nga yung ginagawa ko e sa influence ni Pangulong Duterte.”

May mensahe din si Mocha para sa kanyang mga kritiko.

"Kaysa mag-bash po tayo, ang advice ko eh lumabas po iyong mga bashers sa kalsada at umaksyon, tumulong po tayo. Make good use of your time," sabi ng singer.