• Home
  • Fresh Scoops
  • Matt Evans on doing gay roles: “ito yung pinaka-challenging sa lahat’

Matt Evans on doing gay roles: “ito yung pinaka-challenging sa lahat’

Matt Evans wants to always do his best for the sake of his children.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/5/2016 12:05 PM
Matt Evans on doing gay roles: “ito yung pinaka-challenging sa lahat’


080516-matt_main.jpgAs one of the most versatile actors in showbiz today, Matt Evans admitted he has no problem playing gay roles onscreen. The 29-year-old actor said he got a lot of help from one of his directors with regards to his role. "Para sa akin ito yung pinaka-challenging sa lahat ng ginawa ko. The rest kaya ko tinanggap kasi light dahil mga romantic comedy. Kahit yung una ko na gay role sa MMK noon sobrang naging medyo madali para sa akin kasi si direk Don Cuaresma yung nag-direct so siya na kagad yung peg ko,” he shared.

As part of the cast of The Greatest Love, Matt said he feels challenged to play the role of Sylvia Sanchez’s eldest son Andres in the new family drama. “Ngayon napakahirap kasi heavy drama itong gagawin ko. Medyo kailangan ko talagang immersion. Kung tutuusin halos lahat ng dumadaan sa harap ko talagang minsan ang sama ng tingin ko kasi tinututukan ko sila. Lahat talaga ng dumadaan pinag-aaralan ko. Para sa akin napakahirap talaga nung role pero alam kong madaming matutuwa kung makakapag-perform ako ng maayos,” he admitted.

After settling down in 2013, Matt said his life has become more peaceful. “Masasabi ko kasi yung tawag nga sa akin nun nung sumali ako at naging produkto ako ng PBB ‘happy-go-lucky’ so nadala ko talaga yun. Nabago lang lahat yun nung nakilala ko yung wife ko at kinasal kami. Prayers talaga yun at yung pagmamahal ng mga taong nagtitiwala sa akin at saka ng mga kaibigan kong andiyan. Kahit anong mangyari sa akin, yung management andiyan din. Yung mga pinanghahawakan ko kaya siguro ito yung naging blessing ko tuloy tuloy talaga,” he said.

His marriage to Katrina Farinas who is the mother of his two kids Marley and Maddie is one of Matt’s biggest blessings. "Siguro para sa akin yung wife ko malaking bagay yung tanggapin ng buo yung siyempre ikaw, yung trabaho mo, lahat. At kung gaano kagulo yung buhay ko dati tinanggap niya lahat yun and yun yung isang pinakamalaking pinagpapasalamat ko is yung walang humpay na pag-aaruga sa mga bata. Nakaka-miss yung sepanx sa mga bata so ang laking bagay na siya mismo nag-sa-sacrifice, pumupunta sa set tapos dinadala niya sa akin yung mga anak ko. Nakakaginhawa, nakak-relax sa trabaho. Pagdating mo sa bahay aasikasuhin ko pa,” he added.