Derrick Monasterio finds Jessy Mendiola very sexy

Derrick Monasterio admits he has a longtime crush on Jessy Mendiola.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/5/2016 11:41 AM
Derrick Monasterio finds Jessy Mendiola very sexy


080516-derrick_main.jpgCertified Regal baby na rin ang hunky actor na si Derrick Monasterio who turned 21 last August. 1. Pumirma na siya ng kontrata sa kumpanya nina Roselle at Mother Lily Monteverde at naka-line-up na gumawa ng mga pelikula very soon.

Handa na rin ba siyang magpa-sexy at gumawa ng daring role sa pelikula?

“Okay lang po ‘yon. Nasa tamang age na naman ako,” sagot ng binata.

Hindi rin daw uso sa kanya ang limitasyon, pero “Siguro, hindi lang kita lahat!” natatawa niyang reaksyon. “Hindi lang completely bold. Actually wala naman akong limitation basta tama lang,” sabi pa ng actor.

Eh, sino naman ang gusto niyang makapareha? Totoo bang crush niya si Jessy Mendiola?

“Opo. Si Jessy Mendiola.”

Kaya lang, may Luis Manzano na si Jessy?

“Si Arci Muñoz na lang! Ha! Ha! Ha!”

Eh, may boyfriend na rin si Arci.

“Naku, patay tayo diyan… Pero okay lang naman sa akin kahit sino,” sey pa ni Derrick.

Eh, bakit ba type na type niya si Jessy?

“Ang lakas ng kanyang sex appeal,” tugon niya.

Okey lang ba kahit sinasabi ng iba na malaki ang legs ni Jessy na tinanghal na pinakaseksing Pilipina ng FHM?

“Okey lang yon. Sexy nga, eh. Deserving naman. Maganda nga ‘yon eh. Ayoko ng payat,” katwiran ng hunk actor.

So, hindi yon isyu sa kanya (malaking legs ni Jessy)?

“Maganda nga eh. Sexy talaga!” rason ni Derrick.

Hindi pa ba sila nagkakilala ni Jessy?

“Hi-hello lang po sa pictorial ng Bench. Nagkasabay po kami.”

So, anong naramdama mo?

“Okey naman po. Kinilig po ako. Gusto ko sanang magpa-picture kaya lang naisip ko, ‘shocks, parang di naman ako artista kaya wag na lang.’

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nawawala ang paghanga niya sa FHM’s sexiest Pinay,

“Opo, hanggang ngayon. Crush lang naman po.

So, iniilusyon ba niya si Jessy?

“Huwag naman pong iniilusyon. Ang pangit naman noon. Crush ko lang po talaga siya,” kinikilig pang pahayag ni Derrick.