• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin talks about how they discovered child stars Onyok and Aura

Coco Martin talks about how they discovered child stars Onyok and Aura

Coco Martin admits he is impressed by the young talents in his show.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/4/2016 9:06 AM
Coco Martin talks about how they discovered child stars Onyok and Aura


080416-CocoMartin_PUSH.jpgWith his top-rated series Ang Probinsyano getting more and more exciting every week, Coco Martin admitted he also has the younger stars on the show to thank for their added success. "Sa totoo lang napakasuwerte namin. Kasi ang hirap kaya humanap ng batang artista na parang gifted sila eh. Hindi naman namin sinasadya, para kaming nakapulot ng ginto sa kanilang dalawa,” he explained.

The Ang Probinsyano star shared how they first discovered the two actors during different auditions for the teleserye. “Si Onyok ang ganda ng storya niya. Kasi nung nag-audition siya sa amin sa Dreamscape para sa Ang Probinsyano hindi naman siya napili. Kasi nag-audition siya para maging anak ko na si Junior. Tatlo silang nag-audition sa amin tapos pinaiyak namin. Si Onyok dahil at that time I think four years old pa lang siya, wala pa siyang ka-ide-idea about acting. Wala siyang ka-acting acting. Tapos after that may napili na kaming isa. Si Junior napili namin. Nung palabas na siya ng room sabi niya sa amin,’Kunin niyo ko ah!’ Ganun lang yung ano niya, maangas lang. Tapos ang ganda ng mata. Tapos natawa lang kami. Tapos nung nag-meeting sabi ni sir Deo (Edrinal), ‘Kunin natin yung batang yun, isama natin sa Botolan para maging Aetas, ganyan ganyan. Para magkatrabaho.’ So sinama namin tapos nung binuo na namin yung storya, wala naman yung role niya maliit lang na parang ampon ampon nila Zaijian,” he recalled.

Coco shared how they slowly saw Onyok’s potential for acting grow. "Pero nung umaarte na siya, sabi kong ganun, ‘Direk, ang ganda nung mata nung bata.’ Parang pag umaarte siya kahit wala siyang dialogue, parang kinakausap ka niya. Nakakaaliw siya.’ Hindi siya marunong mag-line, talagang zero. Pero si direk Wenn (Deramas) sobrang galing sa bata, tipong talagang inalagaan niya. And then ang ginagawa namin, nag-sha-shadow ako. Pag eksena niya, i-a-acting ko gagayahin lang niya ako. Pinagtiyagaan namin. Tapos later on mas magaling na siya sa amin. Kasi ngayon pag nag-te-take kami, puong puno siya ng adlib. A-adlib yan tapos naiinis siya pag konti yung lines. ‘Yun lang lines ko?’ sabi niya. Baliktad na. Tapos minsan makikipag-payabangan pa sa amin yan, ‘O pag nagkamali pa-pizza ah?’ (laughs). Ganun na siya. Hindi namin ini-expect na ganunna siya kagaling na bata,” he said.

As for Makmak (or “Aura” as he is dubbed on social media), Coco said they first saw him as a raw talent. "Si Makmak naman, sumikat nga siya sa YouTube dahil dun sa aura-aura. Tapos sabi nila sa akin, ‘O may mag-ge-guest ha, si Aura’ Sabi ko dalhin niyo sa akin para makita ko. Sabi ko siguro ito yung magandang kuwento na yun nga meron siyang crush sa akin pero meron siyang tatay na sundalo. Na yung ex-military na yun, dahil tanggal na siya sa serbisyo, protector na siya ng mga gang dito sa riles ng tren. Pero hindi niya puwede ipakita yung kahinaan niya na kung ano man siya, pero yun yung bali. Pag kaharap niya ako lalakeng lalake pero pag nakatalikod ako magiging ano na siya, magiging gay siya. Tapos nun binuo namin. Nagpakilala siya sa akin. Sabi niya McNeil yung pangalan niya, sabi ko Makmak na lang yung pangalan mo. After that ginawan na namin ng ginawan ng kuwento. Nung una hindi pa rin siya marunong umarte, wala siyang idea. Pero nung naturuan na namin wala nagpapagalingan na sila (ni Onyok). Ang na-discover ko kay Makmak magaling sa drama. Kapag drama na hahayaan mo na,” he explained.

Now that the two young stars have become regular characters on the show, Coco said they only require minimal coaching. "Hindi na namin sila tinutulungan. Hinahayaan na lang namin sila sa isang sulok. Tapos nagugulat kami kasi napakanatural, napaka-sincere nung binibigay nilang acting sa amin kaya sabi nga namin napaka-palad namin na nakatrabaho namin sila,” he added.

The Kapamilya actor said he is proud to have been part of Onyok and Makmak’s entry into showbiz. "Natutuwa ako. Actually hindi lang naman ako kundi sila tita Susan (Roces) at saka yung director at creatives namin. Honestly, tinuturing ko na silang parang mga anak eh. Kasi ang sarap ng pakiramdam. Kasi lagi kong binabalikan na ang nanggaling ako diyan. Napakaraming tao na tumulong sa akin. And then kung ano man yung binigay sa akin at itinulong sa akin shini-share ko lang sa kanila,” he said.