• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Morissette Amon reveals sacrifices her family made for her career

EXCLUSIVE: Morissette Amon reveals sacrifices her family made for her career

Morissette Amon says her family is really supportive of her dream.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/31/2016 9:47 AM
EXCLUSIVE: Morissette Amon reveals sacrifices her family made for her career


083116-morissette_main.jpgMatinding sakripisyo pala ang ginawa ng mga magulang ni Morissette Amon para lang matupad niya ang dream na magkaroon ng singing career dito sa Maynila. Parehong nagtatrabaho noon sa Cebu ang mama at papa ni Morissette pero kinailangang lumuwas ng Maynila para mabantayan ang dalaga.

“Our life ngayon is okey naman po. We’re able to live a simple life. Kasi sa bahay hindi naman po ako… Nagre-rent pa rin po kami, we’re trying to get things slowly kasi. Ayaw din po nina mommy na bigla.

“Sina mommy, they’re always behind me, with all my decisions kaya I’m guided din po sa mga ginagawa ko,” kuwento sa Push.com.ph ni Morissette.

Call center agent sa Cebu ang mommy ni Morissette samantalang ang daddy naman niya ay computer programmer. Pero ngayon ay kay Morissette na lang nakatutok ang mag-asawa.

“Iniwan po nila yung mga trabaho nila to support me. Si mommy at si daddy lagi kong kasama. Naka-package po kami as much as possible and I have no problem with it kasi kailangan ko din talaga sila every step of the way,” sabi pa ni Morissette.

Hindi ba naman siya napi-pressure na tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya?

“To be able to provide, na ako po yung nagwo-work for my family, it’s not really sobrang bigat. Kasi ini-enjoy ko naman po, nai-enjoy ko yung ginagawa ko. And to see them na masaya sila, minsan nga sa mga performances ko naiiyak din sila, so parang nasasabi ko sa sarili ko na tama siguro itong ginagawa ko.

“Mas masarap po kasi yung pakiramdam na nandiyan pa rin talaga sila for me,” katwiran ng magaling na singer.

Ngayon daw ay unti-unti na niyang pinag-iipunan ang pambili ng bahay na kanilang titirhan.

“Opo. Hopefully, if all goes well. I have no idea kasi kung kailan yon mangyayari kasi alam nyo naman dito sa business na ito, di ba, anything can happen kasi, eh.

“Sana po mas dumami yung raket para mas madali akong makabili ng bahay para sa pamilya ko. Actually, recently po kabibili din lang namin ng sasakyan kasi necessity po yon sa trabaho ko, eh. Ang hirap po kasi noon kapag laging nagko-commute. Eh, nu’ng time po noon wala pa namang Grab (taxi), so ang hirap po talaga.

“Ngayon, yung sasakyan pa lang po muna. Hopefully in the next three years bahay naman na maganda yung location at malapit din sa work ko, malapit sa ABS (CBN) pero hindi masyadong magulo or maingay,” pahayag pa ni Morissette.

Morissette will be performing in a concert called Powerhouse na gaganapin sa The Theater ng Solaire on October 28. Makakasama niya sa show sina Arnel Pineda, Michael Pangilinan, 4th Impact at ang Mayumi & T.O.M.S. bands. The concert is produced by Lucky 7 Koi Productions, Inc.