Pokwang is Jadine’s special request

Pokwang admires Jadine for their work ethic.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/30/2016 10:10 AM
Pokwang is Jadine’s special request


083016-Pokwang_main.jpgIsa sa cast ng inaabangang Till I Met You ang tinaguriang Pambansang Mama, ang komedyanteng si Pokwang na aminado na unang beses niyang magkakaroon ng katrabahong may mainit na love team.

Pabirong inisa-isa ni Pokwang ang kanyang mga nagawang serye at aniya wala dito ang may love team na tulad ng sa JaDine.

"Unang beses ko palang po, una Mirabella, We Will Survive tapos Nathaniel o sige anghel yon at in fact sila ang excited na makatrabaho ang isang Pokwang."

Pag bibiro pa ni Pokwang ang JaDine pa aniya ang excited na makatrabaho siya.

"Excited sila dahil tinatanggal ko ang pagod nila sa set. Ako nga pala dito si Agnes. 7 am Agnes ako pag lumalalim ang gabi Agnas na ako pero nagtatawanan parin kami sa set ganun sila."

Dagdag din ni Pokwang ang papuri para sa JaDine dahil sa nakikita niya ang dedikasyon ng dalawa sa kanilang napiling trabaho.

"Alam naman natin na mala-kabayo ang dalawang ito sa pag trabaho at para sa akin kasi yung makita ko lang na napapatawa ko sila kahit pagod na parang yung pagod ko nawawala din e."

Bago pa man siya makasama sa cast ng Till I Met You aminado na si Pokwang na isa siya sa mga napakilig ng JaDine sa nagtapos na phenomenal teleserye na On The Wings of Love.