• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy bet Karan Singhdole wins Man of the Year International

Pinoy bet Karan Singhdole wins Man of the Year International

Karan Singhdole wins first Man of the Year International title.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/30/2016 10:08 AM
Pinoy bet Karan Singhdole wins Man of the Year International


083016-ManofTheYear_main.jpgHindi inasahan ng Philippine bet na si Karan Singhdole na siya ang tatanghalin at mag uuwi ng titulo bilang kauna-unahang Man of the Year International. Mahigpit na nakalaban ni Karan ang mga kandidato mula sa Spain at Lebanon.

Sa send-off party ni Karan kamakailan, inialay niya kanyang laban para sa kanyang ama na may brain cancer at labis na tuwa nito para sa kanya. "Yes pagkatapos po ng pageant nagpapahinga po ako. Tumawag po ang tatay ko habang tinitignan ko ang sash ko at tinawagan niya ako. Sinabi po niya na uuwi siya dito sa Pinas to congratulate me personally and para mag celebrate po."

Sa pagkapanalo ni Karan, maraming opportunidad ang maaring magbubukas para sa kanya kabilang na ang mundo ng showbiz at kung papalarin, nais niya na makatambal ang kanyang ultimate crush na si Liza Soberano.

"Kay Liza Soberano po kasi she's simple lang siya at beautiful with a heart din also sa totoo lang po pinanuod ko ang ending ng Dolce Amore sa Indonesia at mainit din po ang pag tanggap ng Indonesian sa mga Pilipino."

Sa kabila naman nito nagpasalamat din siya sa mga Pilipino na naniwala sa kanya kahit na may mga kuwestyon at batikos siyang natatanggap dahil sa kanyang nationality.

"Okay Lang po Hindi ko masasabi na mali sila dahil Hindi naman talaga ako pure Pinoy. Pero meron naman po akong pusong Pinoy at kahit saan man ako makarating Ilalaban ko padin ang Pilipino."

Bilang parte ng kanyang pagkapanalo, babalik si Karan sa Indonesia sa susunod na buwan upang umpisahan ang adbokasiya ng kanyang titulo sa naturang pageant."