• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli on how he won Sarah Geronimo’s heart: ‘Kinapalan ko mukha ko, ginawa ko lahat’

Matteo Guidicelli on how he won Sarah Geronimo’s heart: ‘Kinapalan ko mukha ko, ginawa ko lahat’

In an exclusive StarStudio Magazine interview Matteo details how he pursued Sarah.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

8/30/2016 9:52 PM
Matteo Guidicelli on how he won Sarah Geronimo’s heart: ‘Kinapalan ko mukha ko, ginawa ko lahat’


083016-AshMatt_PUSH.jpgSa exclusive interview ni Matteo Guidicelli para sa September issue ng StarStudio Magazine, ibinahagi ng aktor kung paano nagsimula ang kanyang pagtingin sa girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sa kwento ni Matteo, noong sila pa ng kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador, napaguusapan na nila si Sarah at alam ng aktres na may crush siya dito.

Noong nagkahiwalay na si Matteo at Maja, doon daw nagkaroon ng lakas ng loob ang aktor na kilalanin si Sarah. Ang kaibigang si Billy Crawford pala ang unang nagpakilala sa kanila ng pormal ng makasama ni Billy si Sarah sa isang show sa Cebu.

Matapos ng kanilang pagkikita sa Cebu, sinundan ni Matteo si Sarah sa isang show niya sa Batangas. Sinabi pa ni Matteo na nakipila siya sa meet and greet ng Popsters para lang makausap at makapag-papicture sa singer. Binigyan daw niya si Sarah ng kopya ng picture noong naging magkasintahan na sila. Nang magsama sila sa isang concert tour sa Amerika, doon na sinimulan ni Matteo ligawan ng tuluyan si Sarah.

“After America, talagang sabi ko I like this girl. I want to get her attention. Kinapalan ko na mukha ko, ginawa ko na lahat,” kwento ni Matteo.

Sa ngayon mas gusto pa din daw ni Matteo na normal lang ang relasyon nila ni Sarah at hindi masyadong exposed sa mata ng publiko.

“Siyempre, she’s my princess. I take care of her, but I want to show her what reality is, what life is. That everywhere you go, you won’t walk around with an entourage, or be treated like a VIP,” dagdag pa ni Matteo.

Dalawang taon nang magkarelasyon si Matteo at Sarah at sa ilang interview sinabi na rin ng aktor na umaasa siyang ang Popstar Royalty na nga ang kanyang ‘the one.’