• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos admits she had a hard time doing a dramatic scene

Judy Ann Santos admits she had a hard time doing a dramatic scene

Judy Ann Santos says it took some time for her to get back into her acting.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2016 10:55 AM
Judy Ann Santos admits she had a hard time doing a dramatic scene


080316-juday_main.jpgAminado si Judy Ann Santos na medyo nahirapan siyang bumalik sa pag-arte sa pelikulang Kusina na entry sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula sa August 5 hanggang August 13. Ayon sa aktres na gumaganap ng role bilang isang cook sa Kusina, kahit malapit sa kanya ang role ay nanibago siya sa pag-arte.

“It’s easier for me kasi I cook. It’s harder because it’s too sad. Harder to act it out because I am too happy,” pagtatapat ng aktres sa Push.com.ph.

Patuloy pa niya, “Hirap na hirap akong humugot kasi parang lahat ng tao sa buhay ko pinatay ko na, masaya pa rin ako. Hindi ko na kayang mag-motivate ngayon ng reality sa fantasy. Hirap ako kasi ang tagal ko na ring hindi umarte. Parang, di ba, nagho-host ako and nababad din talaga ako sa hosting.

“Nung time na umarte kasi na-miss ko siya, natakot na ako kasi hindi ko alam if it’s still there. Hinanap ko siya, nag-moment kami ng sarili ko,” natatawa niyang kuwento.

Nahanap ba niya agad ang kanyang sarili?

“Hindi ko rin nga siya natagpuan agad-agad, eh,” tawa pa niya. “May mga mangilan-ngilang dasal akong ginawa para magkita ulit kami ng sarili ko. I had a hard time.

“Palagi kong tini-text si Ryan (Agoncillo) na kinakabahan ako lalo na nung sinusyut yung heavy scene. Takot na takot ako. Ang dami kong multo sa pag-arte. Hindi ko siya ididenay kasi totoo siya, eh.”

Dumating din daw siya sa point na nahihirapan siyang i-motivate ang sarili.

“Hindi ko talaga alam kung paano ko siya sisimulan, eh. Gusto kong mag-motivate pero biglang sa gitna ng motivation natatawa ako kasi may naisip akong masaya. Yung hindi ako masyadong naka-focus sa character. But after a while, na-enjoy ko na siya. ‘Ah, eto pala yung iniwan ko for quite sometime.

“Pero hindi naman totally nawala yung confidence ko, medyo nanibago lang ako. Nanganay lang ako kasi nga matagal ko siyang binakante. Umarte man ako medyo on the horror side or comedy. Ngayong bumalik ako sa heavy drama, parang tinanong ko pa nga yung sarili ko, ‘Ah, eto pala yung ginagawa ko dati,’” pahayag pa ni Judy Ann.

Samantala, nagsisimula na ring mag-workout si Juday para target weight niya pagkatapos makapanganak.

“Basta mabalik ko lang yung weight ko before kung gaano ako ka-fit. Before I got pregnant kasi I was 130 lbs, but I was really fit, as in, mabigat ako pero malakas ako.

“Siguro hindi na ako do’n sa pagpapapayat, eh. Don na lang sa pagiging mas malakas kasi you want na pantayan mo yung energy ng mga anak mo, yung makapaglaro ka with them.

“Kasi ano namang gagawin ko sa payat na katawan ko kung nanghihina naman ako di ba? So, mas ang goal ko ngayon is to be healthier, to be stronger. Hindi na ako makakapag-wish ng happier life because I’m very happy and content with where I am, with who I am. OA na, baka sabihin naman sa akin ni Lord na ‘Nak, OA ka na ha! Ibinigay ko na sa yo lahat, kalma!’” katwiran pa ng aktres.