• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson tells ex-boyfriend Jerome Ponce: ‘I’m okay now’

Elisse Joson tells ex-boyfriend Jerome Ponce: ‘I’m okay now’

Is there hope for a second chance between Elisse and Jerome?

BY GARY ANN LASTRILLA

Twitter: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

8/3/2016 1:15 PM
Elisse Joson tells ex-boyfriend Jerome Ponce: ‘I’m okay now’


080316-ElisseJerome_main.jpgNagkaharap na rin sa wakas ang housemate na si Elisse Joson at ang kanyang ex-boyfriend, ang young actor na si Jerome Ponce noong Martes, Agosto 2, sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

READ: Elisse Joson’s ex Jerome Ponce enters Pinoy Big Brother house

Dahil si Elisse lang, at hindi ang dalawa pang female housemates, ang nakahula ng presensya ni Jerome sa isang task ay hindi ito pinayagan makabalik ng bahay ni Kuya. Kung kaya naman ay nagpadala na lang ng letter si Jerome para kay Elisse upang humingi ng chance para makapag-usap sila.

Bagama’t naguluhan noong una ay pumayag din si Elisse sa request ni Jerome. Sabi nito kay Kuya ay wala na raw siyang galit kaya okay na siya.

Pareho naman naging emosyonal ang dating magkasintahan ng magkausap na. Umaming kinakabahan si Elisse samantala’y tila tensyonado naman si Jerome.

Ani ni Jerome, ‘pag labas niya ng bahay ni Kuya ay kakausapin niya ang nanay ni Elisse para mag-sorry. Sabi naman ni Elisse, “I don’t want that.”

Ayon sa commercial model ay okay na siya ngayon. “I don’t want you to do anything,” sabi pa nito.

Tinanong naman siya ni Jerome, “Gusto mo pa ba? Masaya ka pa ba?”

Sagot naman ni Elisse, “I’m trying to make you understand, it’s not the same as before. Kung before ito nangyari, I will be happy, the thing is, it’s different now.”

Nang sabihin ni Elisse na, “Because wala na Jerome,” ay agad naman umalma ang aktor.

Sinabihan naman siya ni Elisse, “I don’t want you to give what you’re giving now kasi hindi ko kayang tanggapin kung anuman ‘yung ginagawa mo sa’kin. Sana before. Lahat ng ginagawa mo ngayon, ‘yun na ‘yung guy na I could ask for. It’s just that hindi na ngayon. Sana noon.”

Gayumpaman, ninais na rin ni Elisse na mag-apologize ang ex-boyfriend sa nanay niya, “Kasi siyempre kayo rin naman may relationship kayo.”

Sa pakikipag-usap naman kay Big Brother ay inamin ni Jerome na dati ay magandang ang relasyon niya sa nanay ni Elisse to the point na hina-hatiran pa ito ng pagkain sa taping. Subalit ngayon, “She hates me, Kuya. Sobra. Feeling niya po kasi siguro pati siya iniwan ko, bilang tinuring kong ina, tinuring niya akong anak.”

Sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni Elisse kay Jerome, “That’s why I think we would be good friends someday.” May inabot namang sulat si Jerome para sa kanya.

Sa pakikipag-usap kay Big Brother, sinabi ni Elisse na although she still has her worries, gumaan ang loob niya after.

Panoorin ang buong pag-uusap nila rito:

WATCH: PBB7 Day 20: Elisse to Jerome: "I'm okay now"

Sa nakaraang episode ng PBB ay maalalang inamin ni Jerome na mahal pa rin niya si Elisse. Naikwento din niya na naghiwalay sila alinsunod sa kagustuhan ng nanay ng dalaga.

Panoorin ang mga rebelasyon ni Jerome rito:

WATCH: Jerome admits he still loves Elisse

WATCH: Jerome explains what happened to him and Elisse

Ngayong nakapag-usap na sina Elisse at Jerome ay makakapag-move on na nga ba ang dalawa from their failed romance? Mabubuksan pa ba ang tungkol sa letter?

Manood lagi ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi sa ABS-CBN.