Billy Crawford says he wants a very simple wedding

Billy Crawford admits he has no plans of proposing to Coleen Garcia just yet.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2016 10:54 AM
Billy Crawford says he wants a very simple wedding


080316-billy_main.jpgTen years ang tanda ni Billy Crawford sa girlfriend niyang si Coleen Garcia pero hindi raw naman ito naging isyu. Ito ang naging pahayag niya nang mainterbyu ng Push.com.ph sa solo presscon niya para sa pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Films.

“I feel young when I’m with her,” proud pa niyang pahayag.

“Yung maturity niya is what I Love and her strength, yon yung pinaghuhugutan ko. Yung age gap hindi naman siya naging isyu,” patuloy pa niyang pahayag.

Ano’ng klaseng wedding ba ang gusto nila ni Coleen?

“Very simple. Of course, anything that she wants, yon yung importante. But I don’t want it like yung glamorous na nagpapakitang gilas kami sa buong mundo na ‘Hoy, ikakasal na kami.’ Because the wedding is supposed to be between her and I and God,” sagot niya.

Sa tingin ba niya hindi pa ready si Coleen kaya hindi pa rin siya nagpo-propose dito?

“I don’t know. I really don’t know if I propose and she’ll turn me down now. Hindi ko lang alam, eh. Hindi ko lang talaga alam.”

Nang tanungin namin kung hanggang kailan siya maghihintay sa girlfriend, ang sagot niya, “Para sa kanya, habang buhay!” kaya napa-wow ang press.

Proud boyfriend din si Billy sa reaction ng tao sa MMK episode na pinagbidahan ni Coleen kasama sina Joey Marquez at Alma Moreno.

“I’m very proud of her, very, very proud of her. Hindi n’yo lang alam kung gaano siya kanerbiyos noon.

As in, nagte-tape siya tinatawagan niya ako. Sabi niya, ‘Love, I don’ know what I’m doing, I don’t know if I’m doing good, hindi ko alam kung…’ She’s getting frustrated na. So, kinakausap ko siya, siguro naman yung director niya hindi siya pababayaan.

“And true enough, she registered perfectly, di ba? She’s really blessed, yung lahat ng binibigay sa kanyang mga opportunities ay inaalagaan niya. She’s a perfectionist, eh. She doesn’t want any mistakes.

“It was a blessing for her actually to be given that role. Kasi ang daming puwedeng ibigay kay Coleen, eh, puwedeng paseksi-seksi ulit, ito iba, eh. So nag-shine siya and I’m very proud of her,” dire-direto niyang kuwento.

Samantala, two years na ang relasyon ni Billy kay Coleen. Hindi ba humihingi ng advice sa kanya ang kaibigang si Luis Manzano on how to handle a relationship at kung paano ito tatagal?

“Kasi never nanghihingi ng advice yan, eh. Kasi he’s a very intelligent person and he’s a very nice guy. It’s either business or love life, don lang naman siya humihingi ng advice.

“Matanda na si Luis. Luis knows what he’s doing, yon ang gusto ko sa kanya. Alam niya kung ano ang ginagawa niya, alam niya kung ano ang gusto niya. So, bilang kaibigan ko siya, susuportahan ko regardless what it is,” katwiran pa niya.

Eh, sa present relationsip ni Luis with Jessy Mendiola, wala rin bang hininging advice ang kaibigan?

“In fairness sa kanya, hindi!” pagtatapos ni Billy.