• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga and 40 Star Magic artists negative in drug test

Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga and 40 Star Magic artists negative in drug test

Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2016 12:30 PM
Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga and 40 Star Magic artists negative in drug test


082916-starmagic_main.jpgPara pabulaanan ang bali-balitang under surveillance ng PNP at kasama sa drug list ng showbiz personalities na diumano’y gumagamit ng illegal drugs, kaagad na nagpa-drug test nu’ng Saturday (Aug. 27) ang Kapamilya actors na sina Enrique Gil, Jake Cuenca at Diego Loyzaga.

Base sa resulta ng drug test, lumabas na negatibo sina Enrique, Diego at Jake. Ibig sabihin, walang nakitang kahit anong illegal drug substance sa kanilang katawan.

“Clear naman! And yung initiatives na sila pa mismo ang magpa-drug test para malinis din ’yung pangalan nila, that is really a good sign na drug-free rin talaga sila,” sabi pa ng aming source.

Bago pa ang desisyon na boluntaryong magpa-drug test si Enrique, umugong ang balitang nasa listahan siya ng mga “user.” Sa isang radio program ay nabanggit din ang palayaw niya (Quen) ng nagpakilalang “pusher” na isa ang actor sa gumagamit ng bawal na gamot.

“Bago pa lumabas yang sinasabing listahan na ‘yan ng mga artistang drug user, gusto na talagang magpa-drug test ng ibang Kapamilya actors. Naging busy lang si Enrique sa Dolce Amore kaya hindi niya ito agad nagawa,” sabi pa ng aming source.

Ayon naman sa statement na ipinadala ng Star Magic sa amin kahapon, halos 40 sa kanilang contract stars ang sumailalim na sa boluntaryong drug testing.

“Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community. Results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga and the rest of Star Magic artists.

“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug free,” bahagi ng kanilang official statement. Dahil sa resulta ng drug test, hindi na pagdududahan ngayon sina Enrique, Diego at Jake na sila ay mga “user.” Hindi na rin sila kaagad huhusgahan ng mga tao na kadalasan ay nami-misinterpret ang kanilang mga ikinikilos.