Sam Milby avoids talking about co-star Angel Locsin

Sam Milby is very grateful that he still gets projects even with new stars around.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/28/2016 8:26 AM
Sam Milby avoids talking about co-star Angel Locsin


082816-SamMilby_pushmain.jpgSina Toni Gonzaga at Anne Curtis ang mga naka-love team noon ni Sam Milby na tumatak sa publiko. Pagkatapos ng dalawang aktres ay wala nang sumunod na nakapareha si Sam.

Naniniwala pa rin ba siya na makakatulong sa career ng isang artista ang pagkakaroon ng ka-love team?

“It depends, eh,” reaksyon agad ni Sam sa Push.com.ph.

“Bihira lang yung katulad ni Julia (Montes) na na walang ka-love team pero… Kasi kung babalik tayo sa dati, lahat ng mga naging sobrang sikat pinagdaanan yung love team. Si Julia, puwedeng sabihin din na si Coco (Martin) pagdating sa mga lalaki, but all the guys meron, eh.

“Si John Lloyd (Cruz) with Bea (Alonzo), pati si Piolo (Pascual) with Juday (Santos). Si Richard Gomez meron din. Filipinos love love teams, they love love teams, they love to feel in love and love to believe na sila talaga sa totoong buhay. And the good thing about love team is you help each other in your career, you help each other grow,” patuloy na pahayag ni Sam.

Masaya ba naman siya takbo ng kanyang career ngayon?

“Yeah, I’m…” natitigilan niyang pahayag.

Dagdag pa niya, “Parang 10 years na ako, ang hirap nang tumagal sa business lalo na ngayong ang daming bago, di ba? Yung life span ng mga artista ngayon hindi masyadong matagal, so napakasuwerte ko na kahit minsan bulol pa ako, nahirapan pa sa Tagalog, pero nandito pa ako.

“And I’m still blessed with work, as in this one of my busiest years I’ve ever had – dalawang movie (Camp Sawi at The Third Party), isang teleserye (Doble Kara) na isa sa pinakamatagal na teleserye na ginawa ko.”

Si Angel Locsin ang kapareha ni Sam sa The Third Party. Huling nagkasama ang dalawa sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Only You taong 2009.

“Yeah, it’s been five years, we became close sa Only You and paminsan-minsan nag-uusap kami within those five years of not been working together and it’s really nice to work with her again.”

Tinanong na rin namin si Sam kung napapansin ba niya sa set kung may pinagdadaanan si Angel. Tila paiwas naman ang sagot dito ng actor.

“Siyempre, she’s maturing as an actress. She’s getting better and better. I’ve seen her maturity sa ginagawa namin ngayon. Laging may input siya sa ginagawa niya hindi yung kung ano lang nakalagay sa script. She takes her job seriously,” pahayag pa ni Sam.