• Home
  • Fresh Scoops
  • Former sexy actress Klaudia Koronel has divorced Chinese husband in the US

Former sexy actress Klaudia Koronel has divorced Chinese husband in the US

Klaudia is allegedly depressed because of the incident.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2016 1:05 AM
Former sexy actress Klaudia Koronel has divorced Chinese husband in the US


082916-KlaudiaKoronel_PUSH.jpgAng Pinay US-based transgender singer na si Angel Bonilla ang nagkuwento sa Push.com.ph na nakipaghiwalay ang dating sexy star na si Klaudia Koronel sa asawa niyang Chinese businessman na kasama niyang nanirahan sa Arizona.

“Alam mo, nagkakilala kami ni Klaudia kasi pinuntahan niya kami ni Eduard (Banez – ang kanyang discoverer), iyak siya nang iyak. Actually, kinuwento niya nga sa akin lahat at kinilabutan ako nang todo sa mga kinuwento niya.

“Pumunta siya sa amin umiiyak siya. Nade-depress siya kasi mag-isa lang siya sa L.A. Hiwalay na kasi siya do’n sa Chinese businessman na asawa niya, eh.

“Nakakaawa si Klaudia. Para siyang traumatized. Pero sobrang bait na tao. Ikinuweto niya sa akin yung buhay niya, na ngayon din lang niya na-realize at pasensiya na ha, kasi hindi ko rin puwedeng ikuwento lahat ng mga sinabi niya. Ayoko kasi magsabi kasi that’s not my life. Buhay niya yon, eh, at nire-respeto ko siya.”

Paulit-ulit na sinasabi ni Angel na kinilabutan siya sa mga kuwento ni Klaudia sa kanya. Eh, bakit nga ba?

“Alam mo, parang pelikula yung kuwento niya, parang horror movie. Para siyang robot. Nakakaawa. Yung di-susing robot,” sagot ni Angel.

Ayon pa sa singer, pinipilit daw mabuhay ng normal ni Klaudia sa US sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

“Alam mo, ang sipag-sipag niya, super. Nagwo-work siya sa office, eh, sa factory, hindi ko alam yung kompanya.

“Ang tingin ko nga parang may sakit siya ngayon, eh, hindi ko lang alam kung ano kasi hindi ko rin natanong masyado. The fact na mag-isa lang siya sa Arizona, nakaka-depress talaga yon kaya nga gusto niyang lumipat sa L.A.” kuwento pa ng singer sa Push.com.ph.