• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Singer-songwriter Gio De Vera thankful to PBB for playing his song ‘Kailan Kaya’

EXCLUSIVE: Singer-songwriter Gio De Vera thankful to PBB for playing his song ‘Kailan Kaya’

Singer-songwriter Gio De Vera says his song suddenly became more popular after it was featured on PBB.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/28/2016 12:00 AM
EXCLUSIVE: Singer-songwriter Gio De Vera thankful to PBB for playing his song ‘Kailan Kaya’


082816-GioDevera_main.jpgHindi lang mga aspiring housemates ang natutulungan ng Pinoy Big Brother para magpakatotoo and eventually makapasok sa showbiz bilang artista.

Napakalaking bagay din para sa singer-composer na si Gio de Vera na gamitin ng PBB ang kanyang kantang “Kailan Kaya” na background music sa mga tagpong nag-uusap sina McCoy de Leon at Elisse Joson gayundin kapag magkasa sina Jerome Ponce at Elisse.

“Ako po yung nag-compose nung song, ako rin po yung gumawa ng melody,” pagmamalaki sa Push.com.ph ni Gio who is only 22 years old.

Personal ba niyang napakinggan ang pagpi-play ng kayang kanta sa mga episode ng PBB?

“Hindi ko nga po napanood, eh,” natatawa niyang pag-amin.

“Nag-ring lang yung phone ko ng maraming beses tapos nagte-text sa akin ang mga friends ko na pine-play sa PBB yung ‘Kailan Kaya,’” patuloy niya.

Eh, ano naman ang naramdaman niya?

“Siyempre, nagulat ako kasi nagwo-work lang ako, nagpo-produce lang ako tapos na-play na agad sa ABS-CBN. Hindi ko akalain na ganu’n yung impact sa kanila nung kanta ko.

“Hindi ko siya ini-expect, as in. That’s really something po and then happy ako na suddenly dumami yung radio plays nung song ko. Tumaas din yung YouTube views na lahat nga ng comments nila ay #PBB. Very happy po ako na ginamit ng PBB yung kanta ko. Thank you sa PBB,” ang tila hindi makapaniwala niyang reaksyon.

Nasa Spotify na rin ngayon ang “Kailan Kaya” ni Gio at inihahanda na rin niya ang next single niya na “Ikaw Na Pala” ang title na potential hit song din.

Mahilig ba siyang gumawa ng mga hugot songs tulad ng first composition niya?

“Siguro po, for me, para sa lahat ng tao yung kanta ko, eh. Yung ‘Kailan Kaya’ para yon sa mga taong nagtatanong kung kailan darating yung taong para sa kanila, kumbaga, in general siya.

“Wala naman po akong hugot habang ginagawa yung kanta. For me, inspiration ko lang talaga na isipin kong kailan nga ba darating yung tamang tao for me,” natatawa niyang sabi.

Eh, ano naman ang mensahe niya sa PBB?

“Of course po, maraming-maraming salamat lalo na do’n sa nag-research at naghanap nung kanta ko. Napakaraming kanta ngayon, pero yung song ko pa ang napili nila kaya sobrang honored po ako. Parang isa pong big leap yon sa career ko, di ba, na parang to play the song in PBB it’s really something na kailangan kong ipagpasalamat.

“As a songwriter, feeling ko nailabas ko kasi yung emotions ko talaga do’n sa song na kahit simple lang yung song pero sa ibang tao malaki ang epekto kaya kinuha siya sa PBB,” masayang pahayag ng singer-songwriter na si Gio.