• Home
  • Fresh Scoops
  • Australian boy group With Confidence has tips for ‘Pinoy Boyband Superstar’ hopefuls

Australian boy group With Confidence has tips for ‘Pinoy Boyband Superstar’ hopefuls

Australian boy group With Confidence has tips for ‘Pinoy Boyband Superstar’ hopefuls

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/27/2016 8:56 AM
Australian boy group With Confidence has tips for ‘Pinoy Boyband Superstar’ hopefuls


082716-BoyBand_main.jpgMatagumpay na naganap noong Biyernes August 26 ang unang concert ng Australian Pop Punk boyband na With Confidence. Apat ang kanilang members at isa sa kanila ay Filipino, si Inigo del Carmen, kasama sina Joshua Brozzesi; Jayden Seeley at Luke Rockets. Nabuo ang kanilang grupo sa Sydney noong 2012 na nagsimula bilang YouTube sensations dahil viral ang una nilang single na “Stand Again.”

Nabalitaan nila ang magsisimulang reality talent search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar at nagbigay sila ng tips sa hopefuls na sasali sa search.

Para kay Inigo, kailangan na maging kakaiba para mapansin at mahalin ng manonood. 

"They must have something unique about them, something extremely unique that draws the crowd."

Tamang kumbinasyon naman ng itsura at talento ang kailangan para kay Luke.

"Talent, looks, are important and work really hard. If thats what they want to do they should focus and develop themselves"

Sigurado daw na babalik sila sa Pilipinas dahil sa init ng pagsalubong ng fans sa kanilang unang concert sa SM Skydome. Kayat abot-abot ang pasasalamat nila. 

"Thank you for all the support its amazing for us to perform here in Manila we love you with all our hearts and making this possible is amazing. Marami salamat po!" Pagtatapos ni Jayden.